Chapter 20: Happy together
Eliashib's Point of View
Gezzzzz! Nakakainis!! Sumusobra na talaga yung Grate na yun! Ano naman ba kung gusto kong mag skip ng klase? Why the fuck does he care anyway? Bwesit na mokong yun!
Tignan mo nga naman tong Athalia na to oh! Iniwan ako? Arrgghhhh!! San naman kaya yun nag susuot. Bahala siya sa buhay niya!
Nagpunta nalang ako sa mini park dito sa campus ng marinig kong mag ring ang phone ko.
Grate calling...
Na naman? Arrgghhh!! Bahala siya sa buhay niya! Bwesit!
Ibinalik ko yung phone ko sa bulsa ko at humiga sa damu sa ilalim ng malaking puno. I want to rest.
"Hmmmm, I wonder what's into you today that makes your face that ugly"
Isa pang bwesit! Sarap manlait ng isang to. Ibinuka ko ang mukha ko at tumambad sakin ang abot tengang ngiti ni Ken. Holy shit!"You don't fucking care! Get lost!"
Sigaw ko sa mismong mukha niya dahilan para mapaupo siya sa damo saka pakamot kamot na tinignan ako."Ganyan ka ba sa mga taong nag aalala sayo Eli? Hmmmm, If I know gusto mo lang maglibang. Follow me"
Aba walang hiyang lalaki to! Hilahin ba naman ako sa pagkahiga ko. Grrrrhhhhhh!! Last ka na talaga Aikenson! Malalagot ka talaga sakin pag ako pumutok. Tignan lang natin."San mo ba ako dadalhin? Bitiwan mo nga ako!!"
"No no way Eli. I promise pasasalamatan mo ako after this"
Wow ha! Taas ng confidence level. Ewan ko sayo! Abnormal ka!"Abnormal!"
Sigaw ko sa kanya habang tumatakbo kami. Nakarating na kami sa parking lot at kinuha niya yung kotse niya. Bakit ba may mga kotse na sila? I mean bakit allowed silang mag drive? Magkaedad lang naman kami diba? Bakit ganon?"San ba kasi tayo pupunta Ken? Kanina ka pa nag mamaneho diyan."
Walang ganang tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi kami nag susuot dito sa kung saan man to ngunit di parin kami humihinto. Malapit ng mag lunch. Gutom na ako."Basta. Just wait"
Di man lang ako tinapunan ng tingin. Walang hiya talaga! Pasalamat siya't kaibigan ko siya."Here we are"
Malakas na sabi niya kaya nagulat ako. Hinampas ko siya sa balikat."Tch! I'm hungry"
Sabi ko pagkabukas niya sa pinto saka lumabas. Wow!!!!!!!!!!This is really amazing. Napanganga ako sa sobrang ganda ng lugar. Andito pa ba ako sa Pilipinas? Feeling ko tuloy wala na ako sa Pilipinas. Napakaganda ng lake at mga puno tas may mga bench. Napaka perfect talaga ng scene. May volcano ka pang matatanaw sa malayo. Yung mga bulaklak din napakaganda at yung bridge sa may di kalayuan.
"Like it?"
"Love it. San mo naman to nahanap ah?"
Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. Arghh!! Pinakaayaw ko pa naman ang ginugulo ang buhok ko."Tara na, gutom na gutom ako at nag crave ako ng ice cream"
Di ko makakalimutan yung araw na nag malling kami at kumain kami ng ice cream para siyang bata nun. Sobrang cute."Wow. Ang ganda naman dito Ken. Ayoko na tuloy umuwi sa amin"
Nakakamangha talaga ang lugar na to. Native ang style with the touch of modernization. Ang ganda ng designs grabe. I can't described it though. Basta sobrang ganda. Awesome..
YOU ARE READING
Little by Little
Teen Fiction(On-going) Little by little they fall in love with each other