Chapter 11: Dancing in the rain

9 5 0
                                    

Chapter  11: Dancing in the rain

Kiel's Point of View

"Wake up Kiel"
Nagising agad ako nung marinig ko ang boses ni Kuya Silver.

Di parin mawala sa isip ko yung nangyari kagabi. Lolo was furious sa di pagsipot ni Eli sa dinner for the second time.

Flashback

"Kharlnizzon! Elizabeth! Asan na naman yang napakagaling niyong anak!"
Sigaw ni Lolo.

"Dad. Calm down"
Pilit na pinapahinahon ni Dad si lolo. Shet! Asan ka na naman ba nagsusuot kang bruha ka!

"I want her right now!"
Sigaw na naman ni Lolo na hinampas pa yung lamesa namin. Swear takot na takot na ako. Ngayon ko lang nakitang ganito ka galit si lolo.

"Pangalawa na to Cris. Pangalawa na tong ginawa ng apo mo. I don't have time for rescheduling"
Ani ng lolo ni Grate. He looks disappointed dahil wala si Eli.

"Tinawagan niyo na ba si Eli?"
Tanong ni Lolo Manolo. Tumango naman kami. Nakailang tawag na ako sa bruhang yun pero di parin sinagot. Ang tigas tigas kasi nun. Parang bato ang ulo at puso.

"I'll be leaving next week and I want Eli to come with me"
Halos masamid ako sa kinakain ko nung marinig ko yung sinabi ni Lolo Manolo. No wayy! Di ako papayag na malayo sa amin si Eli.

"That's a good idea honey. Para din naman makapagbonding tayo ni Eli at maturuan ng tamang asal ang batang yun"
Sang ayon pa ni Lola Maine; great grandmother namin.

"Tito, okay lang po. Pwede namang sa susunod nalang natin ipakilala sina Grate at Eli eh"
Sabat ng Daddy ni Grate.

"Hindi pwede Jovan!"
Pulang pula na si Lolo dahil sa inis at galit. Huhuhu this is not good. Asan ka na kasi Eli..

"I think Jovan is right. Saka na pag malaki laki na sila"
Pag sangayon naman ni Lola Sophie. Nakahawak siya sa balikat ni Lolo Cris para pakalmahin siya.

"Dad, tama po si Jovan. Wag nating pilitin si Eli lalo na't ang babata pa nila"
Biglang sabi ni tito Aleandrew.

"Lo, bakit naman isasama niyo si Eli?"
Naagaw ni tito Arl ang attensyon namin nung tanungin niya si Lolo Manolo.

"Para matuto yang anak mo Karlzo! Masyadong pasaway at sakit sa ulo lang ang binibigay niya."
Kinakabahan na naman ako. Baka ako na ang susunod nito.

"Lo naman, let's talk about it later"
Sabi ni tito Arl at pinatuloy ang pagkain na parang walang nangyari.

End of flashback

"Nagluto ako ng paborito mong adobo"
Masiglang sambit ni Kuya Silver habang hinaada ang mga plato. Nasan sina Kuya Ady at Teman?

"Kuya anong oras po umalis sina Kuya Teman?"
Tanong ko. Nakakapanibago lang kasi't ang aga nilang umalis. Friday naman sana ngayon kaya nasa mga 9 or 10 magsisimula ang klase nila.

"Ahh kasama ni Dad si kuya Teman. Papunta sila sa company. Si Ady naman ay kasama ni Mom nag grocery sila"
Ahh. Kaya pala. Nakakapagtaka naman kasi kung pumasok na sila eh alas syete palang oh.

Yum yum yum. Ang sarap talaga mag luto ng kuya ko. Hehe. Pagkatapos kong kumain ay nag shower na ako at naghanda para pumasok. Nakisabay ako kay Kuya Silver kasi papasok na rin naman siya eh.

Little by LittleWhere stories live. Discover now