Chapter 5: A talk
Puro discussions na naman ang ginawa namin sa buong maghapon. Ano pang bago. Medyo gumanda na rin yung pakiramdam ko kasi di na ako inaantok. Thanks to coffee hehe.
"Good afternoon classmates. Before the dismissal may magaganap na audition para sa glee club. Join na ang mga magaganda ang boses. Extra point na rin yun"
Anunsyo ng class president namin. Anyways I don't give a damn about that thing."Vash mag auditon ka na ha"
Tinulak tulak pa ni Yanna si Vash. True! Mala anghel ang boses ni Vash pag kumanta na siya."Ayoko nga. Baka dumami pa fans ko"
"As if meron kang fans! Sige na Vash. Ipakita mo yang talent mo"
Sabi ko naman sa kanya saka tinalikuran siya. Tumayo ako saka nag unat."Ano na nga pala yung sasabihin mo sakin?"
Tanong ko kay Yanna nung maalala ko yung sabi niya sakin kanina."Ahhh yun? Wala. Kalimutan mo nalang yun"
Nahihiyang sagot niya. Gaga! Paano ko yun makakalimutan eh parang intense yung pagkasabi mo nun eh."Bilis na!"
Sagot ko. I can't forget that easily no."Uy! Ano ba yang sasabihin mo Yanna? Dali na"
Sabat ni Vash. Inakbayan ko siya at pangiti ngiti kay Yanna pero sadyang matigas siya at di talaga niya sinabi. Sayang oras ko sayo'ng bruha ka! Mas bagay sa kanya yung bruha hahaha joke lang."Class dismissed"
Announce ni Sir Humboldt. Agad namang nagsilapit sina Ali at Kiel sa amin."Sabihin mo na kasi yan Yanna"
Sabi ni Vash kaya nangusyoso na rin sina Kiel."Oo nga Yanna. Share ka naman diyan. Uy Eli! Kala mo nakalimutan ko? May utang ka pang kwento sakin ha"
Padabog na umupo si Kiel sa table ko. Tss! Di na naman yun importante eh! Ba't ba ganon siya ka curious? At isa pa nag bago na ako no. Wala na akong flings or something."Wala nga yun! Joke yun ano ba kayo.. ganyan ba kayo ka slow?"
Salubong ang kilay ni Yanna na nakatingin saamin. Yan siya, ayaw niyang pilitin siya. Bahala ka nga diyan! Mag kukusa ka rin!Tumayo na ako at kinuha ko yung bag ko saka inaya silang lumabas na ng room. Gusto ko na ring umuwi kasi pagod na pagod na ako.
"Eli, may hottiie akong ipapakilala sayo"
Bulong ni Ali sakin. Interesting. Ngumiti ako ng napakalaki sa kanya."Kailan ba?"
Interesado kong tanong sa kanya."Bukas. After dismissal"
"Huy Athalia siguraduhin mong magugustohan ko yan ha!"
Sabi ko sa kanya. Tumango lang naman siya at nagpaalam na kasi dumating na yung service niya. Ganon din si Vash."Yanna sabay ka nalang saamin tutal one way lang din naman ang dadaanan natin"
Yaya ni Kiel kay Yanna pero tumanggi ito at tumingin sakin. I knew it! Gusto niyang kami lang dalawa ang maguusap."Uhmm, Kiel mauna ka nalang. May dadaanan pa kasi ako"
Pagdadahilan ko at pumayag naman siya."May milagro ba Eli? Since kailan ka pa umaalis ng mag isa lang?"
Speechless."Loka loka ka Kiel! Syempre umaalis ako ng ako lang no. Di mo lang talaga alam! Umalis ka na nga!"
Sigaw ko sa kanya. Totoong ayokong umaalis ang ako lang. Kailangan may kasama talaga ako sa bawat lakad ko.
YOU ARE READING
Little by Little
Teen Fiction(On-going) Little by little they fall in love with each other