Chapter 16: Fiancée

6 4 0
                                    

Chapter 16: Fiancée

Eli's Point of View

Today is friday and it's the little twin's birthday. Abala ang lahat sa pag aayos ng birthday party nila. Nasa hotel kasi gaganapin yung birthtday nila. Andito nga ako natulog kagabi eh.

"Ate! You're awake"
Bungad ni Kluxx sakin. Anong tawag ba dito? Stating the obvious. Tss!

"Anong gusto mo, kumain ka dun sa baba o papahatid ko nalang breakfast mo dito"
Tanong ni Kluxx sakin.

"Pa hatid mo nalang dito"
Sabi ko. Tinatamad pa kasi akong mag ayos at bumaba kaya dito na muna ako. Sayang yung pag absent ko kung di ko naman gamitin. Tinawagan na ni Kluxx yung crew at saka ilang minuto lang ay may dumating na waiter na may dala dalang mga pagkain.

Agad ko yung sinungkaban. Gutom na gutom na ako. Napatingin naman ako kay Kluxx na tumawa. Ano? Wala namang nakakatawa?

"What are you laughing?"
Tanong ko kahit na punong puno pa ang bibig ko

"Don't talk when you're mouth is full ate. You're so cute when you're hungry"
Bakit ba panay ang english nitong si Kluxx? Nakaka nosebleed.

"Cute is just for dog. Technically I'm not a dog so I'm not cute. I'm pretty"
Sabi ko sabay belat sa kanya. Na mas lalong nagpatawa sa kanya. Di naman ako nag jojoke ah?

"Dream on ate! Libre lang mangarap kaya ipagpatuloy mo yan"
Ang sama niya grabe! Sinamaan ko siya ng tingin at di ko nalang siya pinansin. Tawa parin siya ng tawa na akala mo wala ng bukas. Bahala nga siya!

"What's with you bro?"
Tanong ko sa kanya at hinapo ang noo. Baka kasi  nilalagnat kaya naging ganito.

"Psh! Wala! Good mood lang"
At muli siyang gumiti bago lumabas sa suite ko. Asan kaya si Kiel?

Naubos ko lahat ng pagkain na dinala ng waiter. Kulang pa nga eh. Joke lang. Sakto na busog na busog na ako. Kaya nga eto ako ngayon at nag aayos ng sarili ko. Magpapasyal pasyal na muna ako. Di pa kasi ako nakabili ng regalo para sa dalawa.

"Good morning ate Eli!"
Nagkasalubong kami ni Star kaya nginitian ko siya at binati.

"Happy birthday Star. Pakisabi na lang din kay Sky na Happy birthday"
Sabi ko at nagpaalam na. Mahirap na baka madulas pa yung dila ko at may masabi pa akong pagsisihan ko.

Agad akong tumawag kay Damian para magpasama. Pagdating ko sa mall namili agad ako ng pwedeng pang regalo kay Star at Sky. Wala rin palang regalo si Damian kaya sabay na kaming namili. Una naming pinuntahan ang shop ng kaibigan ni Mommy. I know Star loves fashion kaya bibilhan ko nalang siya ng damit.

"Good morning iha. Long time no see. Oh hello Damian"
Bati ni Tita Rhiana sakin. Kaibigan ni Mommy.

"Good morning po Tita"
Sabi namin ni Damian at nakipag beso kami sa kanya.

"Anong satin?"
Tanong niya. Tinignan ko naman iyong damit na naka display. Ang ganda niyang tignan. Kulay itim siya na hanggang tuhod lang yung haba. Sa tingin ko pa lang alam kong saktong sakto lang iyon kay Star. Kinuha ko iyon at binayaran.

"Here"
Abot ni Dam ng bayad sa cashier. He's also a crazy fashionable person. Yung binili niya nga para kay Star ay sobrang ganda. Super. I super love his styles when it comes to fashion

Sunod naming pinuntahan yung botique na puro mga sapatos. Mahilig kasi sa basket si Sky. Katunayan nga ay captain siya sa varsity team ng university namin sa juniors level. Di ko naman alam kung anong maganda yung bibilhin ko para sa kanya kasi lahat naman maganda at mamahalin.

Little by LittleWhere stories live. Discover now