Chapter 19: Saturday's picnic
Grate's Point of View
Good morning saturday!
Masaya akong gumising dahil ngayon ay pupunta ako kina Eli. Makakasama ko na naman ang mahal kong reyna. Gusto ko ding bisitahin si Kiel. Alam kong naging harsh ako sa kanya and naguguilty ako sa ginawa ko sa kanya lalo pa na muntik na siyang ma rape. Buti nalang talaga at sakto ang dating ko.
"Good morning Thunder"
"Aw aw aw"
Pati aso ko nahawa sa good vibes ko. Oh Eli! Why did you do this to me. Kahit medyo akward pa para sa amin eh sobrang happy ko dahil nakakasama ko na siya.
And from now on, I'm going to court her hanggang sa makuha ko ang napakatamis niyang 'oo'
I cooked my breakfast at saka kumain, nag shower na din ako pagkatapos para maaga akong makapunta sa kanila. Alam kong tulog pa yung reyna ko dahil 8 am palang. Maaga pa para sa kanya yun.
"Para kang timang Grate. Ngumiti nalang bigla"
Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin na malawak na nakangiti. Ah! I can't help it. Ang sarap kasi sa pakiramdam ng ganito eh."Bye Thunder! May pasalubong si Daddy sayo pag uwi ko"
Sabi ko sa aso ko. Para na talaga akong baliw. Pinaharurot ko yung sasakyan ko hanggang sa makarating ako sa highway. Huminto pa ako sa isang cake and ice cream shop para bumili para sa reyna ko."Sigurado po akong magugustohan yan ng girlfriend niyo sir."
"Sana nga. Keep the change"
Sabi ko dun sa cashier at umalis na ng shop nila. Ube cake yung binili ko para kay Eli kasi favorite niya yung kulay purple at yung ube na flavor kaya bagay na bagay to sa panlasa niya."Good morning sir Grate!"
Masayang bati ng guard sa village nila Eli. Kilala na ako dito dahil palagi na rin akong nakatambay sa village nila pero di sa bahay nila Eli haha."Good morning din po"
"Ang swerte talaga ni Ma'am Eli sa inyo Sir Grate"
Napangiti ako sa sinabi ni kuya guard. Mas swerte po ako dahil sa akin nakatali si Eli. Napangiti na naman ako sa iniisip ko."Kuya Grate!"
Napalingon ako nung may tumawag sakin pagbaba ko ng kotse and there I saw Marco standing under the tree. Pinuntahan ko siya at agad na kinandong sa mga balikat ko. I don't like kids pero when it comes to Marco parang gusto ko na rin."You're going out with ate Eli?"
"Nope. I just brought her some sweets. Tara sa loob para sabay natin kainin to ng ate Eli mo"
Sabi ko sa kanya at pumasok na kami habang dala dala yung cake at ice cream ko. Pinalagay ko muna sa ref nila at ilang minuto ay kinuha ko na yun ulit at inilagay sa mga bowls bago umakyat sa kwarto ni Eli.She hates me to enter her room but I don't care. Sooner or later magkakasama rin naman kami sa iisang kwarto eh kaya mas mabuting sanayin niya na yung sarili niya ngayon.
"She's so pretty right baby Marco?"
Tumango tango naman si Marco. That angelic face of her makes me fall for her deeper and deeper. Magkasalungat man ang ugali niya sa mukha niya mahal na mahal ko parin siya. I don't remember how I started to love her basta ang alam ko lang ay mahal na mahal ko siya at wala ng iba."Wake up sleepy head"
Nakiupo na rin kami ni Marco sa napakalaki niyang kama. Naramdaman niya siguro kaya nagising siya.
YOU ARE READING
Little by Little
Teen Fiction(On-going) Little by little they fall in love with each other