Chapter 15: Malling

10 5 0
                                    

Chapter 15: Malling

Aikenson's Point of View

Nagising ako sa bango ng amoy ng niluluto ni Mommy. Pancake. Bigla akong nagutom kaya nagpunta ako sa kitchen.

"Hi baby!"

"Ang sarap naman niyan Mommy"
Niyakap ko si Mommy ng patalikod. Gutom na talaga ang baby mo Mommy kaya dapat pakainin mo na ako.

"Here, I know you're hungry baby"
Ngumiti ako ng napakalawak yun bang kita pati bagang ko hehehe. Kinurot naman ni Mommy yung pisnge ko at sinabayan akong kumain. I'm late. Siguro ay nauna ng umalis yung magaling kong kambal. Di man lang nag abalang gisingin ang napakagwapo niyang kapatip. Amp!

"Mom, pwede bang di muna ako papasok ngayon? Nakakarindi na kasi yung mga tili ng girls sakin eh"
Nakanguso ako kay Mommy habang nakayakap parin sa kanya.

"Ayaw mo nun baby? Ang daming may crush sayo?"
Eh?

"Ayoko po mun Mom. Gusto ko walang magkakagusto sakin"
Nakapoker face ko siyang sinagot kaya sinubuan niya nalang ako.

Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Pambihirang Aiko yun! Di talaga ako ginising. Ano bang mahirap gawin sa gisingin ako? Hindi na nga ako sa kwarto ko natulog, sa sala na di pa ako nakita? Bulag ba siya? Kainis!

Pasado 9 na, ako nung dumating sa school. As usual, sinalubong ako ng mga fangirls ko. Hays. Tili dito, tili doon, tili everywhere!!

"Ba't ngayon ka lang?"
Salubong sakin ni Aiko. Andito kami sa canteen ngayon. Di ko siya pinansin at tinignan si Eli.

"Okay ka na Eli? Hi Kiel"
Bati ko kay Kiel. Di ko to nakita kahapon.

"Ah Oo, thanks for asking"
Aren't you gonna say thank you for saving me? Sa bagay she doesn't know it. Umupo nalang ako sa tabi ni Grate at kinulit siya.

"Ayiiieeee! Andyan na yung crush niya hehehe"
Medyo pabulong pa yun para di nila marinig. Magkaharap pa naman sila ni Kiel. Baka mapatay ako ng wala sa oras nito hahaha.

"Shut up Ken!"
Tignan mo to ang sungit sungit. Di ko nalang siya kinulit at kumain nalang din.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa kanya kanyang room namin pero dahil sa di ko feel pumasok, nag ditch ako at nakatambay sa field. Dito ko palaging nakikita si Daven na mag isa. Malamang ay nalulungkot parin yun sa nangyari sa kanila ni Marga. Di niya kasi alam na sinusundan ko siya hehe. Ganito lang ako pero may puso rin ako no at nagaalala ako para sa kanya. Totoo yun.


Mas magandang matulog ngayon. Di masyadong mainit, sakto lang. Napasandal ako sa isang puno at nagsimulang pumikit.

Zzzzzzzzzz Zzzzzzzzzzz Zzzzzzzzzzz Zzzzzzzzzzz

"Huy ano ba kayo! Umalis nga kayo dyan!"
Napabalikwas ako sa pagkahiga nung marinig ko ang boses na yun at laking gulat ko na pinagpapantasyahan na pala ako ng mga fangirls ko. Kainis! Ang dami nilang nakapalibot sakin na may kanya kanyang hawak ng celphone pa. Naku naman oh! Scandal na to!


"Alis nga kayo diyan!"
Sigaw ni Eli sa kanya. Right, it's Eli. Napangiti ako nung makita ko siya pero di man lang natinag ang mga malalandi. Sorry for the word pero nakuha ko lang din yan kay Hian eh haha.


"You heard her right? Alis daw"
Casual kong sabi at saka tumayo, pinagpagan ko yung pants ko at dumiretso kay Eli na hinila ko palayo dun sa lugar na yun. Naistorbo pa ako pero okay lang.



"Anong ginagawa mo dun? May klase ka pa diba"
Tanong ko sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi ay may klase pa siya sa ganitong oras. Don't tell me? Nag ditch rin siya? Naku naman tong babaeng to oh!

Little by LittleWhere stories live. Discover now