IKALAWANG BAHAGI

40 1 0
                                    

"Mahal mo pa ba ako? O sumuko kana?"

Ang hirap tanggapin na hanggang dito nalang tayo.
Na magpanggap na masaya pa tayo.
Na magpanggap na okay pa tayo.
Pero ang sakit, ang sakit na malaman na sumuko na pala tayo?

Ang sabi mo matatag tayo na kahit anong mangyari tayo at tayo parin hanggang huli.
Pero mukhang nagkakamali ako kasi baka ako nalang ang maiwan bandang huli.

Ang daming tanong na naglalaro sa aking isipan.
Hindi ko alam kung saan ko kukunin ang lahat ng sagot upang matahimik ang aking isip, puso at ang mga mata sa pagpatak ng aking luha.

Mahal mo pa ba ako? O sumuko kana? Mahal mo pa ba ako? O sumuko kana? Mga tanong na naglalaro sa aking isipan..
Sabihin mo sa akin mahal kung sumuko kana..
sabihin mo hanggang maaga pa..

Kasi kung mahal pa ako bakit mo ipaparamdam sakin na tila ba't sumusuko kana.
Tila ba't ayaw mo na.. tila ba't hanggang dito nalang tayo.
Tila ba't wala na akong halaga sayo.

Mahal.. ang sakit.. ang sakit marinig habang sinasabi mo ang mga salitang "Ayoko na." "Oo, ayoko na." Habang hindi ko malaman kung anong emosyon ang meron ka.
Kung masaya ka ba o malungkot.. habang binabanggit mo yan nung kausap kita..

Mahal sumuko kana ba? Dahil pagod kana? o sumuko kana kasi may bago na? kung parehas man.

Gusto ko huminga ng tawad. Patawad dahil hinayaan kita sumuko kasi pagod kana.. patawad kung nagkaroon man ako ng pagkukulang sayo.. patawad kasi hinayaan kita makahanap ng iba dahil sawa kana.. sawa saan?

Sawa sa pagaway at bati natin?
Sawa sa pagunawa sakin?
Sawa na sa pagmamahal sakin?
Oo alam kong tao ka lang din pero bakit ganito.. bakit kailangan mo sabihin ang mga katagang..
"Hindi ako magiging katulad niya." "Hindi ako magsasawa na unawain ka" "Hindi ako magsasawang mahalin ka" at higit sa lahat....
"Hindi kita papaiyakin gaya niya"

Ang hirap tanggapin na sumuko kana pala talaga..
Ang hirap tanggapin na wala na tlaga.

Pero gusto ko malaman mo na kahit sumuko kana o hindi.. NANDITO PARIN AKO NAGHIHINTAY SA PAGBALIK MO DAHIL BAKA PAGOD KA LANG TLAGA,
BAKA KAILANGAN MO LANG NG PAHINGA..

Mahal ikaw at ikaw parin ang taong nandito sa puso at isip ko, kaya kung naisip mo bumalik handa akong tanggapin ka ng buong buo.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon