April Fool's Day
Nandito tayo sa panahong uso ang manloko,
Hindi na nila iniintindi yung mararamdaman mo.
Kasi nga kailangan nila makapanggago,
kahit ang kapalit nito ay sakit sa puso.Bakit nauso ang April Fool's Day,
kung tanga tanga naman tayo everyday?
Bakit kailangan manloko sa buwan na 'to?
kung pakiramdam mo naman isa kang malaking biro.
Bakit kailangan natin ipamukha sa isang tao,
na sobrang deserve niya maramdaman 'to?
Yung sakit na araw araw nating dinadala sa puso,
Kahit hindi buwan ng panggagago.Bakit hindi nalang natin kalimutan na tanga tayo?
Bakit hindi nalang natin kalimutan na gago tayo?
Bakit hindi nalang p'wede na matuto tayo?
Bakit laging may bakit sa mga isipan at puso tulad ng mo at ako?Hindi ka ba napapagod maggago at maging tanga?
Hindi ka ba sawa sa iyong palaging nadarama?
Sana kahit alam natin sa sarili natin na buwan ng panloloko at tanga,
Wag na natin gawin yung gusto nating balakin sa iba..
Kasi hindi natin alam kung anong mararamdaman niya,
Lalo na't parehas naman tayo dito may malaking problema.
BINABASA MO ANG
Mula sa sugatang puso
PoetrySinulat upang mailabas lahat ng hinanaing na nararamdaman. Sinulat upang maipakita yung nararamdaman. Sinulat para kalimutan na ang nakaraan.