Ika-24 na bahagi

4 0 0
                                    

Nagsimula tayo sa isang laro,
na kailangan mo magbigay ng mensahe sa isang tao.
Na nauwi sa pakilala at pagaya maglaro.
Hindi tumagal mas naging komportable ako sayo.

Yung usapang hindi ko inakalang hahaba,
dahil akala ko maarte ka.
Nagkwento agad ako ng tungkol sa buhay ko,
hindi ko inakalang ibabahagi mo din yung buhay mo.

Sobrang gaan ng loob ko sayo,
di ko mawari yung mga saya sa tuwing asa tabi mo.
Bawat istorya na lumalabas sa mga kwento mo na sobrang sarap pakinggan sa mga tengga ko.

Tila onti onti mo ko pinapapasok sa buhay mo, hindi ko matanggap kung ano nga ba tayo?
Sobrang gulo mo kasi lalo na sa mga aksyons mo.

Sa magdamag na kausap ka,
sa magdamag na pinaramdam mong masaya ka,
sa magdamag na pinaramdam mong mahalaga ang bawat isa,
isang tangina tila ayoko nalang ikaw mawala.

Sayo ako kumuha ng lakas,
sayo ako kumuha uli ng pagasa.
Sa bawat oras na pinaramdam mong mahalaga ang tulad kong nagiisa.

Pero nung gabing alam kong nahuhulog na ako sayo, ramdam ko yung kirot uli sa puso ko.
Kasi alam kong hindi ka pa handa sa panibagong yugto, pero pinaramdam mong sobrang espesyal ko.

Magkaibigan tayo pero bakit iba yung bawat kilos mo?
Magkaibigan tayo pero bakit iba na yung nararamdaman ko?
Magkaibigan tayo, oo alam ko yon pero iba yung pinaparamdam mo.

Yung gabing naramdaman ko yung yakap mo, na sobrang gaan lang sa pakiramdam ko.
Yung alam kong ligtas ako pagnandyan ka sa tabi ko, pero sobrang hirap lalo na kung hindi mo naman alam kung ano talaga tayo.

Sobrang paghihingi ko ng pasensya sa bawat oras na aking inaksaya.
Sa bawat motibo na aking inakala.
Pasensya dahil alam kong ako lang naman yung umaasa.
Pasensya dahil ako yung nahulog sa romantiko mong pagaalaga.

Pasensya dahil di na ako muling maggagambala, pasensya dahil mahal na kita.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon