Ika-12 na bahagi

11 1 0
                                    

'Takbo ng oras'

Bakit tila bumabagal ang takbo ng oras sa tuwing ika'y nasisilayan.
Yung may kung anong slow motion effect pang nalalaman.

Pagika'y akin tinititigan,
Tila ako'y nakakita ng anghel na pinadala ng may kapal.
May kung anong saya ang aking nararamdaman.

Aking iniirog na pinadala ng may kapal..
Maaari ko bang mahawakan ang iyong mga kamay,
Upang ikaw ay masayaw ng sobrang bagal at romantiko.
Yung tipo mararamdaman mo ang bagal ng pagtakbo ng orasan nating dalawa, iniirog ko.

Pero nung ako'y saktan mo,
Kasabay ng mabagal na takbo ng orasan....
Ang mabagal na pagpatak ng mga luha ko.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko,
Lalo na kung ramdam mo talaga na dahan dahan kang tinutusok sa puso mo.
Hindi ko na maipaliwanag pa ang sakit na ito.
Bakit mo ko sinaktan ng husto???

Kala ko bumabagal lang ang takbo ng oras pagnagmamahal ka ng husto...
Pati din pala pagikaw ay iniwan sa dulo......
Mararamdaman mo talaga ng paonti onti yung sakit sa puso mo.

Yung mala slow motion nyong pagiibigan,
Mauuwi lang pala sa hiwalayan.
Yung mala romantiko nyong orasan,
Mauuwi lang pala sa sakitan.

Kahit naramdaman mo ang pagbagal ng takbo ng oras pagikaw ay masaya,
Mararamdaman mo pa din ito.. sa oras nga lang ng kalungkutan, sinta.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon