Ika-13 na bahagi

10 1 0
                                    

'Pagmamakaawa'

Ang saya naman natin noon,
Kamusta naman kaya ngayon?
Ang saya naman natin doon,
Kamusta naman kaya ngayon?

Ang saya natin no?
Pano kaya nauwi sa dulo?
Pwede ba maging masaya nalang tayo,
Yung sayang panghabang buhay na sinta ko?

Ano pa ba ang gusto mong gawin ko?
Lumuhod sa harap mo?
Umiyak sa harap mo?
Magmakaawa habang buhay sa harap mo?
Bullshit naman kung ganun mahal ko.

Ang sakit na sobrang sakit na.
Ilang beses na ako nagmakaawa,
Pero binaliwala mo pa din sinta.
Ganyan kana ba kamanhid bwisit ka!

Napapagod na ako sayo,
Pero pinipilit ko pa din wag sumuko.
Grabe ang tibay ko no?
Para maging tanga ng husto sayo.

Ilang beses pa ba akong magmamakaawa,
Para lang wag mo akong iwan at ipagpalit sa iba?
Di mo na ba talaga ako mahal, sinta?
Kaya ganyan ka nalang kung umasta.

Please naman mahal ko,
Bumalik kana sa piling ko.
Napapagod na ako...
Wag mo naman hintayin na sumuko ako.

Pero ang dami kong natutunan,
Bukod sa wag na magmahal,
E wag na din magmakaawa pa,
Lalo na kung ayaw naman na talaga.

Sige kung dyan ka naman talaga masaya,
Di na ako magmamakaawa pa,
Susupportahan nalang kita,
Kahit sobrang sakit na....
Ganyan kasi talaga kita kamahal, aking sinta.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon