IKA LIMANG BAHAGI

22 1 0
                                    

'Nanlalamig'

Nakakain kana ba ng yelo?
Yelong mula sa taong mahal mo.
Oo tama nga.. sobrang lamig no?
Parang nangingilo buong pagkatao mo.

Kahit naman hindi na ako magpalamig sa kanto.
Malamig na kasi sa piling ng mahal ko.
Kahit hindi na ako gumawa ng yelo,
Sa mga kilos palang niya solve na ako.

Ang init na ng panahon,
Pero pinipilit mo padin palamigin.
Sana magbago na ang samahan,
Wag kana maging malamig sa akin.

Hindi ka naman yelo,
Pero bakit sobrang lamig mo?
Hindi naman ako refrigarator,
Para maging cold ka sa piling ko.

Hindi ka naman bangkay,
Pero ramdam kong patay kana.
Patay kana ba sa piling ko sinta?
O ang pinagsamahan natin ang bangkay nalang talaga.

Dapat na ba kitang tunawin?
Kasi nga yelo kang madaling tunawin.
O yung pagmamahalan natin ang aking unang tutunawin?

Tutunawin ng mga nagiinit na luha..
Na dahan dahan pumapatak sa aking mga mata.
Tutunawin ng mga nagiinit na pagmamahal para lang bumalik sa dating sigla.

Pero mukhang huli na ang lahat,
Kasi ang puso mo ay tulad na ng malamig na bangkay..
Wala ng magagawa kundi maghukay nalang.
Sabay libing sa pusong nanlamig pati ang pinagsamahan ay idamay!

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon