IKA SAMPUNG BAHAGI

14 1 0
                                    

'Pagagos ng mga tubig'

Naririnig mo ba ang mga agos aking sinta?
Kung naririnig mo man sila...
Parang narinig mo na din ang pagagos ng aking mga luha...
Sa tuwing tayo'y nagkakabangayan.

Kung gaano kalakas ang agos,
Ganun din kalakas ang pagpatak ng mga luha ko sinta.
Kung gaano kalakas ang agos,
Ganun din kalakas ang pagsigaw mo sa aking mga tenga.

Habang palakas ng palakas ang sigaw mo,
Palakas din ng palakas ng pagagos ng luha ko.

Hindi ka ba napapagod pakinggan?
Ang mga pagagos ng aking luha, habang tayo ay di nagkakaunawaan.
Kasi ako pagod na pagod na sinta.

Sana kasabay ng pagtigil ng agos,
Ang pagtigil din ng aking mga luha.
Kung pwede nga lang sinta,
Baka matagal nang walang luhang bumababa sa aking mga mata.

Kaya lang hindi e kasi agos nga,
Malabong mawala, malabo parang pagiyak ko sa piling mo sinta.

Sabagay mawawala din naman ang pagagos ng aking luha,
Kung ika'y papalayain ko na.
Kasi hindi na malusog ang ating pagsasama.
Puro nalang tayo away hindi na tayo nagmahalan pa.

Kaya baka sa araw na ika'y papalayain ko na.
Baka yun na din ang huling maririnig mo ang pagagos ng aking mga luha.
Pagagos na tila tubig sa dagat ang lakas.
Pero kahit kailanman di mo na maririnig pa.

Alam kong balang araw, hindi man ngayon...
Magiging masaya na ang pagagos ng aking mga luha,
Kundi dahil ako'y malaya na sa mga di masasayang alaala.
At lalong lalo na dahil hindi na kita mahal pa, aking sinta.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon