Ika-21 na bahagi

12 1 0
                                    

'Huli na'

Nung araw......
Masaya pa tayong nagtatampisaw,
Sa masarap na simoy ng hangin,
Kasabay ng pagyakap mo ng mahigpit sa akin.

Dumaan ang madaming buwan,
Hinanap kita kahit saan, kahit maging sa dating tagpuan.
Mga ngiti mong malabo ng masilayan,
Maging ang yakap mong mahigpit na malabo ng maramdaman.

Bakit kailangan natin humantong dito?
Di ba ako naging sapat sayo?
May naging pagkukulang ba ako?
Pakisabi naman para inform ako....

Hirap na akong kapain ang sitwasyon natin,
Diretsuhin mo na ako ng tuluyan....
Para puso't isip ko ay makapagpahinga,
Sa sakit na naidulot ng ating pagmamahalan sa isa't isa.

Di ka ba nanghihinayang sa ating dalawa?
Tila kasi mas naging masaya ka pa.
Baka naman may nakita ka ng iba?
Kaya kung makapagdiwang ka ay tila katapusan na.

Kung ang hiwalayan natin ay isang malaking kasiyahan sayo,
Pwes kabaliktaran naman para sa akin lahat ng 'to.
Tila yung masigla at masayang mundo ko,
Gumuho at naging bato bato kasabay ng pagguho ng puso ko.

Baka nga huli na ang lahat aking sinta,
Pero wag mong kakalimutan na mahal pa din kita.
Na di ko pa kaya na magsaya sa piling ng iba,
Di ako tutulad sayo na tila ba walang nangyaring masama.

Huli na naman diba?
Paalam na sa ating dalawa.
Di na kailan man mangaabala,
Lalo na ngayong sobrang saya mo na.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon