Ika-19 na bahagi

6 1 0
                                    

'Hating gabi'

Sumapit nanaman ang hating gabi,
Napapaisip kung anong dapat gawin.
Di ko alam kung dapat ko ba uli palipasin ang hating gabi,
Na tayo ay di nagkakabati.

Lagi nalang tayo ganito,
Sa tuwing tayo ay matutulog.
Hindi ko alam pero sobra mo itong paborito,
Yung tipong hindi mo talaga ako papatulugin sa kakahingi ng pasensya sa iyo.

Tila na tayo aswang sa ating sistema,
Tayo ay gising sa hating gabi upang awayin ang isa't isa.
Hindi ka ba napapagod sa ating ginagawa?
Bakit hindi nalang magpahinga ng mapayapa.

Mas gugustuhin ko nalang ang umaga,
Yung tipong tayong dalawa ay masaya.
Kesa sa hating gabi na puro problema,
Hindi na natapos magkaroon ng panibagong problema.

Ano ba 'to? Gabi gabi problema?
Tila hindi na natapos eto, aking sinta.
Hindi ba pwedeng ipagpabukas nalang natin muna?
Kasi gusto ko na matulog ng maaga..

Pasensya kana mahal, iniisip ko din naman ang iyong kalusugan,
Alam kong di na 'to maganda para sa atin.
Kaya baka pwedeng humingi muna ng kaonting pagitan....
Para ang puso at mga luha ay mabigyang pahinga din.

Hindi naman kasi dapat tayo nagkakaganito,
Lalo na't sa ganitong oras pa, sinta ko.
Patawarin mo sana ako,
Papalayain na muna kita, para mahinto na ito....
Ayoko kasing matulog ka ng may bigat na dinadala sa puso mo.

Mahal naman kita,
Pero kailangan muna ihinto natin ito.
Para makapagpahinga sa sakit na nararamdaman ng mga puso.
Hayaan mo makakatulog ka na ng mapayapa,
Lalo na pagsasapit ang hating gabi, kasi wala na ako..... wala na yung bigat na dinadala mo.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon