Ika-11 na bahagi

10 2 0
                                    

'Pinagtagpo pero di tinadhana'

Isa tayo sa mga taong di pinala,
Na pagsamahin ng tadhana.
Pinagtagpo tayong dalawa..
Pero di itinadhana.

Kumbaga masasabi mong may rason,
Para tayo ay matuto sa leksyon.
Na di lahat ng pinagtatagpo,
Ay itinadhana na dito sa mundo.

Yung akala mong siya na,
Pero hindi naman pala.
Yung akala mong kayo na,
Pero may iba pala.
Yung akala mong ikaw na para sakanya,
Dadating din ang oras na hindi pala ikaw para sakanya.

Nadidismaya tayo sa tadhana,
Kesyo hindi kayo pinagsama.
Pero di tayo madidismaya,
Lalo na kung marunong magalaga.

Ganun naman talaga ang buhay pagibig diba?
Masasabi mong kayo ay itinadhana,
Kung marunong ka magalaga at di ka pabaya.
Doon mo lang masasabi na di kayo pinagtagpo lang ng bathala.

Kung sa una palang binigyan halaga mo ang pagiibigan nyo,
Edi sana ngayon di mo sinasabi na pinagtagpo lang kayo.
Kasi nga kung mahal mo,
Dapat di mo na inisip magbago..

Puro ka naman sabi ng pinagtagpo pero di tinadhana,
Pero ang isip mo naman pala talaga ay nasa iba...
tiyak na di talaga kayo ipagtatadhana ni bathala.

Marunong dapat makuntento,
Para sa huli di puro kumento.
Kesyo nga pinagtagpo lang at di tinadhana.....
E syempre nagloko at humanap ng iba.

Wag na tayo gumawa ng ikakasira,
Kasi nga malay mo siya na talaga.
Hindi mo na sasabihin na pinagtagpo pero di tinadhana.....
Kasi inisip mo ang ikakasaya nyong dalawa.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon