Ika-15 na bahagi

8 1 0
                                    

'Pagsisikreto ng lihim'

Kanina ka pa nanlalamig sakin, mahal ko.
May nagawa ba akong mali sayo?
Sabihin mo sakin para maayos natin agad ito.
Para di na tumagal ng husto.

Bakit kanina ka pa walang imik ha?
May gusto ka bang sabihin sakin sinta?
Kung ano man yan sana hindi masamang balita.
Baka kasi di ko kayanin kung magiging ganun talaga.

'Ano kasi, hindi na kita mahal.. matagal na. Pasensya kana ha.'
Grabe yan na ba yun? Kaya pala.
Kaya naman pala sobrang nanlamig kana.

Yan siguro yung lihim na matagal mo ng gusto sabihin sa akin noon pa man.
Sobrang sakit na malaman,
Sana pala di ko nalang inalam pa.

Yung sikreto mo na napakatagal na,
Ngayon alam ko na.
Na di mo na ako mahal, tama ba?
Siguro may iba kanang mahal, sinta.

Sana di nalang ako nagpumilit pa,
Kung sa huli ako din ang masasaktan sa ating dalawa.
Sana di nalang ako nagkulit pa,
Kung sa huli ako din naman ang mahihirapan na magparaya.

Bakit kaya ganyan ka sa akin sinta?
Kala ko ba walang sikretuhan sa ating dalawa?
Pero bakit mo tinago ng napakatagal sa akin, sinta.

Grabe sobrang sakit naman ng sikreto mo.
Mas malala pa sa sikreto ng ibang tao.
Sana di ka nalang nagsikreto,
Sana sinabi mo nalang ng diretso.

Sabagay baka kasalanan ko din naman,
Baka ako din ang may kasalanan.
Tatanggapin ko nalang lahat yan.
Lalo na ngayon di na siya isang sikreto,
Kasi sinabi mo na sa akin, mahal ko.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon