'Pagsasakripisyo'
Napagod ka ba? Napagod ka ba?
Paulit na tanong habang nakatingin sa iyong mga mata.
Bakas kasi na tila wala lang sayo sinta.Pero nakakapagtaka naman..
Napagod ka e tila nga di ka lumaban.
Sa ating pagmamahalan..
Mukhang ikaw pa ang nahirapan.Mahal naman natin ang isa't isa diba,
Pero bakit nauwi pa din sa hiwalayan.
Hindi naman sapat ang pagod ka,
Para iwan ang pangako sa isa't isa.Naiintindihan naman kita,
Kasi nga pagmahal mahaba ang pasensya.
Pero ang di ako intindihin,
Mukhang napakadaya na kung iisipin.Nagsakripisyo ka ba talaga?
Oh baka ako lang magisa?
Pasensya na sinta kung hindi ko dama.
Halata naman kasi talaga...Nagdududa sa bawat kinikilos mo,
Pinagmamasdan kung may halaga pa ako para sayo.
Wala naman masama magduda,
Lalo na kung halatang halata mo na.Kaya pasensya na kung napagod ka,
Kahit hindi ko dama ang pagsakprisyo mo sa akin sinta.
Hayaan mo hindi na mauulit pa,
Kasi wala na talaga, paalam aking sinta.Pagsakrispisyo natin ay matatapos na,
Para di na mahirapan pa ang isa't isa.
Kasi nga pagod kana at sawa na.
Okay na yan, pwede kana magpahinga ng mapayapa sinta.
BINABASA MO ANG
Mula sa sugatang puso
PoetrySinulat upang mailabas lahat ng hinanaing na nararamdaman. Sinulat upang maipakita yung nararamdaman. Sinulat para kalimutan na ang nakaraan.