Ika-16 na bahagi

8 1 0
                                    

'Kung ano ano lang'

Nandito ako sa harap ng aking teklado,
Nagiisip kung ano ang pwede pang sabihin sa iyo.
Nandito ako sa harap ng aking teklado,
Nagdadalawang isip kung dapat ko pa ba sabihin sayo.

Ang daming tanong at kung ano ano pa,
Ang bumabagabag sa aking isipan, sinta.
Nagiisip ng mabuti kung ano ang pwedeng salita,
Ang pwede kong irason na di halata.

Bakit naman kasi napakamanhid mo aking sinta?
Di mo pa ba halata ang aking pinapahalata.
Yung tipong ang daming kaba,
Habang ako'y nakaharap sa aking munting teklado, sinta.

Nagiisip kung dapat ko pa ba sabihin saiyo,
Yung aking tunay na nararamdaman sabi ng puso ko.
Kaso wala e binaliwala mo ko,
Di mo man lang binigyang halaga kahit konti, sinta ko.

Ganun talaga ang pagibig diba?
Wala na ako magagawa kung iba talaga ang iniirog mo.
Basta alam ko sa sarili ko,
Di ako nagkulang sabihin ang nararamdaman ko....
Kahit gamit lang ang aking munting teklado.

Baka oras na para ikaw ay palayain mula sa puso ko,
Para naman mas maging masaya na talaga kayo ng iniirog mo.
Di na ako maghahamak na guluhin pa ang pagsasama nyo,
Kundi mas susuportahan ko nalang ang salitang 'kayo'.

Basta kung naisipan mo ko kamustahin, sinta ko..
Wag kang magdadalawang isip na humarap sa teklado mo.
At ganun din naman ako,
Tiyak na mas ikakasaya ko pa ang makausap ka kahit gamit lang ang teklado ko.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon