Ika-22 na bahagi

6 1 0
                                    

"Nagbabakasakali lamang"

Ito na ba ang masayang mangyayari sa aking panibagong yugto?
O baka naman lahat ng ito'y maglaho.
Sana ito na ang matagal ko ng inaasam na panibago,
Panibago para sa ating pagiibigan, mahal ko.

Natuwa ako nung ika'y nagtapat ng iyong nararamdaman, sinta ko.
Dahil parehas lamang tayo ng sinasabi at tinitibok ng puso.

Ito ba'y imahinasyon ko lamang?
O baka naman ito'y isang panaginip lamang?
Walang kasiguraduhan kung hanggang saan tayo mapupunta.

Hindi tiyak ang mga pangyayari na maaaring mangyari sa ating dalawa.

Nakakatakot isipin na baka isang gabi,

Paggising ko wala kana sa aking tabi.

Pero diba nagbabakasakali lang naman ako,

Ika nga nila walang masama kahit hindi maging totoo.

Sa araw araw na tayo'y magkasama,

Hindi ko maramdaman yung kinang sa iyong mga mata.

Pakiramdam ko may kulang pa,

O baka wala talaga sa akin yung sapat na.

Sa araw araw na ika'y aking iniibig,

Ikaw naman ay iba ang iniibig.

Ramdam ko naman una palang,

Sadyang nagbakasali lang.
Wala nga naman kasi masama kung susubukan,

Mas masakit kung hindi mo nasubukan.

Sa mundong ito may mga bagay na pagdi mo sinubukan,

Maari mong pagsisihan.

Kaya habang mahaba pa ang pagkakataon,

Sulitin mo na kahit hindi maging totoo ang pagiibigan nyo.

May kasabihan nga tayo pagtayo'y umiibig,

"Take the risk, kahit risky na. Okay nang ginawa kesa sa hindi."


Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon