'Ang paglipad'
Nakaranas kana ba lumipad?
Sumakay kahit sa isang sasakyang pamhimpapawid?
O kahit sa taong minahal mo pero iniwan ka sa himpapawid...Iniwan ka niya kasi ikaw lang ang may gusto,
Ikaw lang yung nagmamahal sainyo.
Masakit naman talaga maiwan sa ere,
Ganun naman talaga kasi e.Yung tipong hanggang salita lang siya, at minsan may halong kilos.
Pero pagnahulog kana isang pasensya lang ang mararason sayo.Kesyo nga kaibigan lang kayo.
Hindi ka niya gusto kasi iba ang gusto ng puso.
At ikaw ang walang magagawa,
Kundi tanggapin kahit sobrang sakit para sayo.Kaya nga sa pagibig,
Kailangan may kasiguraduhan,
Bago mo siya mahalin.
Kasi baka sa pinakatuktok ng himapapawid,
ikaw ang babagsak na duguan.Kaya hanggang maaga pa,
Putulin na ang pakpak ng pagasa.
Kasi nga hindi pwedeng aasa ka na lang sakanya.
Lalo na kung puro salita lang siya.Ingatan mo ang puso lalo na ang sarili mo.
Mamaya mabaril ka ng kung sino sino,
Masayang lang pinaghirapan mo.Kaya wag kang lilipad ng mataas,
Lalo na kung hanggang kaibigan lang kayo.
Wag ka basta mahulog sa romantiko.
Maging wise ka din kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Mula sa sugatang puso
PoetrySinulat upang mailabas lahat ng hinanaing na nararamdaman. Sinulat upang maipakita yung nararamdaman. Sinulat para kalimutan na ang nakaraan.