Ika-14 na bahagi

12 1 0
                                    

'Pagunawa'

'Mahal pasensya kana kanina ha?'
Eto nanaman tayo sa pagmamakaawa mo,
Hindi ko alam kung dapat pa ba kita patawarin sa kasalanan mo.

Nakakapagod din naman kasi sinta ko,
Lalo na kung paulit ulit lang din ang kasalanan mo.
Hindi ka ba nagsasawa sa ganitong sistema natin mahal ko?

Ilang beses mo pa ba kailangan ulitin yang kasalanan mo?
Ilang beses pa ba kita kailangan patawarin, mahal ko?
Ilang beses mo pa ba ako gagaguhin ng husto?
Ilang beses pa ba kita kailangan unawain, mahal ko?

Pagod na ako sa ganitong sistema nating dalawa.
Pero heto pa din ako patuloy kang inuunawa.
Pagod na ako maging tanga,
Pero kailangan ko gawin kasi mahal kita.

Grabe di ka ba nagsasawa marinig na paulit ulit kang nagmamakaawa?
At paulit ulit naman kita inuunawa?
Di ka ba napapagod na saktan ako ng higit pa sa dalawa??

Mahal wag mo naman sana hayaan,
Na umabot tayo sa oras na sawa na akong patawarin ka.
Mahal wag mo naman sana hayaan, na umabot pa tayo sa hiwalayan.
Ayokong mangyari yun lalo na kung pagod na akong unawain ka.

Mahal naman talaga kita,
Kaso kung paulit ulit ang pagunawa,
Nakakasawa din naman diba?
Kaya please lang tama na sinta.

Magbago ka naman kung gusto mo pang tumagal tayong dalawa,
Wag mo na sana ulitin pa,
Kasi konti nalang ang pagunawa ko sayo sinta.

Kung pasensya nga nauubos diba?
Pano pa kaya ang paguunawa?
Lalo na kung tila magkaparehas naman sila.
Baka iwan nalang kita dito aking sinta.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon