IKA SIYAM NA BAHAGI

14 1 0
                                    

'Mga hiniling'

Napakasaya nung araw na ika'y nasilayan.
May kung anong saya ang naramdaman.
Hindi mawari ang ngiti sa aking mga labi.
Yung tipong ikaw na ba ang pinalangin.

Mga alaalang ginawa magkasama,
Naglaho nalang na parang bula.
Yung matagal ko ng hiniling sa itaas,
Ngayon ay ibinawi na.

Baka naman kasi hindi pa ikaw ang hiling na pinagkaloob,
Baka isa ka lang leksyon upang ako'y magbago.
Baka isa ka sa leksyon para tupadin kahit ilan lang sa hiling ko.

Nagpapasalamat ako sayo,
Kahit saglit kalang naging parte ng buhay ko.
Madami pa din naman tayo natupad,
Lalo na sa mga hiniling ko.

Kung tayo man ay para sa isa't isa,
Hayaan mo ipagdadasal ko,
Ang iyong kaligayahan para sa babaeng laman ng hiling mo.

Hindi man ako ang hiniling mo,
Atleast masasabi kong naging parte ka ng biyaya ko.
Totoo naman kasi e nahiniling kita,
Pero baka iba ang iyong hiling sa maykapal.

Magiging masaya pa din ako para sayo sinta,
Kasi ikaw ang naging inspirasyon ko tuwina.
Hindi man ako ang isa sa mga hiniling mo,
Isa ka naman sa mga taong minahal ko ng todo.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon