Ika-20 na bahagi

6 1 0
                                    

'Pakituro naman'

Nandito tayo ngayon,
Sa pinaka mahirap na desisyon.
Kailangan mo mamili sa amin,
Kung ako ba o siya na mahal mo...

Ako yung nandito sa tabi mo,
Pero mas pinili mo parin siya,sinta ko.
Ako yung nandyan lagi para sayo,
Pero binaliwala mo.

Ako yung nagmamahal sayo,
Pero mas pinili mo pa din siya kesa sa ako.
Ako yung nandito para sayo,
Pero mas pinili mo padin tumingin sa dulo.

Sabik kana ba para ituro ang mahal mo?
Sabik kana ba ipamukha sa aking desperada ako sayo???
Kasi kung oo, labis na akong nasasaktan sayo.
Pero pinipilit ko padin kumapit para magkaroon ng salitang tayo.

Tama nga naman sila,
Mahirap kalaban ang nakaraan...
Lalo na't kung patuloy mo pa din sinisinta.
Bakit kasi di mo nalang palayain ang sarili mo sakanya???

Kung ituro mo man siya,
Pipilitin kong wag umiyak....
Lalo na sa harap nyong dalawa..
Kasi mamaya masabihan pa akong paawa....

Baka nga di pa sapat ang aking ginawa,
Baka kulang pa para sayo, sinta.
Hayaan mo sa susunod hindi na kulang ang ginawa,
At sisiguraduhin kong sapat na sapat lahat ng aking ginawa......
Kaya nga lang para na 'yon sa iba.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon