'Mga paru-paru na namatay'
Naramdaman mo na ba aking sinta?
Sa tuwing tayo ay magkasama.
May kung anong nilalang,
Na nasa loob ng aking tiyan.Yung tipong tila may nagwawala,
Sa tuwing ika'y makikita.
Hindi mapakali at gusto kumawala.
Hindi ko alam ang tawag basta ang mahalaga masaya ang isa't isa.Pero nung ako'y masaktan,
Sa tuwing ika'y nakikita,
Wala na akong maramdaman pa.
Wala na nagdidiwang sa loob ng aking tiyan.Eto ba ang sinasabi nila?
Na paginlove ka....
May mga paru-parong lumilipad, nagdidiwang... nagsasaya.Pero pagika'y nasaktan,
Tila bumabaliktad na ang 'yong kalamnan
Hindi mawari kung patay na sila..
Hindi na kasi siguro nila ramdam ang saya natin sa isa't isa.Pero kung ika'y mawala,
Okay na din kung mawala sila.
Kasi sa susunod na ako'y magmamahal ng iba..
Alam kong babalik sila.Paru-paru nga bumabalik,
Pagmamahalan pa kaya?
Pero sobrang labo na din,
Sa sobra nang daming nangyari.Mga patay na paru-paru,
Hindi na muling mabubuhay pa.
Kasi ang ating pagmamahalan ay patay na.
Kaya hindi na ako aasa na babalik ang dati nilang sigla.
BINABASA MO ANG
Mula sa sugatang puso
PoetrySinulat upang mailabas lahat ng hinanaing na nararamdaman. Sinulat upang maipakita yung nararamdaman. Sinulat para kalimutan na ang nakaraan.