'Pagpitas sa bunga'
Nangmasilayan mo ako,
Sa sobrang taas na puno.
Nagisip ka agad ng paraan,
Upang puso ko ay masungkit mo.Gumawa ng mga paraan,
Para mapalapit ako sayo.
Kahit napakataas ng puno,
Pinilit mo pa din akyatin.Naging masaya naman tayo,
Lalo na ako sa pagsakripisyo mo.
Pero bakit bigla nalang nagbago?
Nagiba na ang pagdalaw mo.Kung dati ay araw araw,
Ngayon ay tila buwan buwan.
Madalang nalang umakyat,
Para ako'y masilayan.Ganun ba talaga pagnapitas mo?
Babaliwalain mo nalang pagnakuha mo.
Nagpakahirap akong bantayan ang puso ko,
Kaya nga nakita mo ako sa taas ng puno.Sana hindi ka nalang umakyat at gumawa ng paraan.
Kung sa bandang huli ako ay iiwan.
Sabi na e! Isa ka sa mga peste,
Na dapat iniiwasan.Hindi na dapat ako nagpalinlang pa,
Kung sa huli ako ang talunan sa ating dalawa.
Pero wala na ako magagawa pa,
Napitas mo na ako na parang bunga.Hayaan mo sa susunod na maghilom at mahinog ako,
Hindi na ako magpapalinlang sa mga tulad mo.
Kasi alam ko na ang halaga ko,
Bilang bunga na iniingatan sa taas ng puno.
BINABASA MO ANG
Mula sa sugatang puso
PoetrySinulat upang mailabas lahat ng hinanaing na nararamdaman. Sinulat upang maipakita yung nararamdaman. Sinulat para kalimutan na ang nakaraan.