Ika-18 na bahagi

14 1 0
                                    

'Pagtanto'

Eto ba yung walang hanggan o katapusan?
Tayo ba ay nagiibigan o nagsasakitan?
Ako'y nalilito na di na alam ang gagawin.
Pakisampal nga ako ng malakas ng ako'y magising.

Hindi ko padin mapagtanto,
Ano na ba ang nangyari sa salitang 'tayo'??
Napalitan na ng pait at pangloloko.
Mahal mo pa ba ako sa lagay na 'to?

Paulit ulit pinupukpok ang aking ulo,
Pero hindi pa din pumapasok ang katotohanang wala na tayo.
Ganun ba talaga paghindi mo pa tanto?
Sana naman magising na ako sa katotohanang wala ng tayo!

Alam kong tulog pa ang aking diwa,
pero pakigising naman ako ng maaga.
Ayoko ng umasa pa sakanya,
kasi alam kong masasaktan lang naman ako, sinta.

Mukha na akong tanga kakahintay sayo,
pero di ko pa din napagtatanto na asa dulo na tayo.
Hindi na muling mababalik pa ang saya,
Lalo na yung naging sigla ng isa't isa.

Ang tagal naman ako tamaan ng pagtanto,
napapagod na ako umasa dito.
Kailan ba ako magigising sa totoong buhay ko?
Yung lahat ng pangyayari ay totoo.

Sa oras na ako'y magising sa pagtanto,
Hindi na ako muli pang matutulog.
Ayoko na kasi maranasan uli ang iyong panloloko,
At higit sa lahat ayoko na maging tanga pa sayo.

Hahayaan na kita sa iyong gusto,
Papabayaan na kita kung anong gawin mo.
Basta ako nagising na sa katotohanang wala ng tayo.
At hindi na muli pang magpapaloko.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon