Ika-23 na bahagi

9 1 0
                                    

"Huling pagkakataon"

Pinatawad, nagmahalan, pinatawad, nagmahalan..

Di ka ba nagsasawa sa ating sistema?

Paulit ulit ang ating ginagawa,

Di na tayo mga bata, kailan ba tayo magtatanda?

Ilang beses pinagbigyan,

Pero di ibigsabihin sayangin.

Ilang beses pabang pagbibigyan?

Upang matuto na sa maling gawain.

Parehas tayong nagkakamali dito,

Ngunit bakit tila di ka naman natututo?

Parang lahat sayo madali parang abo,

Na ganun nalang kabilis maglaho...

Madaling magsabi ng isang salita,

Pero alam namang nating mahirap isagawa.

Nagmumukha na ako ditong tanga,
Pinagbibigyan ka parin sa maling ginagawa.

Di ka ba napapagod humingi ng pagkakataon?

Kahit alam naman nating walang pagbabago.

Dyan ka naman kasi talaga magaling diba?

Magsalita pero di ginagawa.

Sobrang nakakapagod ka ng intindihin,

Yung tipong ang sarap mo ng saktan.

Pero syempre ayokong tumulad sayo,

Na di marunong makiramdam sa damdamin ko.

Pagdumating ang puntong nagsawa ako,

Sa kakaunawa sa ugali at gawain mo...

Hindi na kita muling bibigyan ng huling pagkakataon,

Kasi sagad na sagad na ang pasensya ko sayo.

Hahayaan kitang magdusa sa ginawa mo.

Mula sa sugatang pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon