Chapter 10

724 20 0
                                    

Cassandra's pov~

"Good Morning Everyone!!"

hindi ko na nilingon si allison

" hmm morning din sis!" balik bati ko dito

Narandaman ko naman ang paglapit nya sa akin

" anyare? bakit good mood ka ata ngayon?" takang tanong nito

" wala..Masaya lng ako kasi ang ganda ng panahon" nakangiting sabi ko

" i know you sis, kaya wag ako lokohin mo, kahit kelan hindi ka nag karoon ng pakialam sa panahon"

pagkatapos kong ilagay sa tupper yung pagkain na niluto ko para kay zayden nakangiti akong humarap kay allison

" pasalamat ka na lng kasi good mood ako ngayon, oh btw kelan daw uwi ni papa?" pag iiba ko ng topic

may business trip kasi si papa sa Japan

" 1 month pa ata sya dun kasi may iba pa daw syang aasikasuhin" sagot naman nito at kumuha ng pagkain sa ref

Napatango na lng ako

" kain na tayo" sabi pa nito

" tapos na ako, sige..Pasok na ako"

Inilagay ko sa paper bag yung dalawang tupper ..Bakit dalawa? syempre tig-isa ulit kami hehe

" Oi! ang daya mo! hintayin mo muna ako cass!" sigaw pa ni allison pero iniwagayway ko lng ang kamay ko at tuluyan ng lumabas ng bahay

Sumakay ako sa kotse ko at agad ini start yun..

Gosh!! hindi ko parin maiwasan na hindi isipin yung nangyari kahapon! imagine..Sabay kaming nag breaktime? nakausap ko pa sya ng matagal! wahhhhh!!!

pagdating ko sa school,agad kong ipinark yung kotse ko

Bumaba ako ng kotse kong nakangiti

" hi ate cass!"

" omy god! ate cass ang ganda mo po!"

" wahh Ms.Cassandra ang ganda mo po!"

mas lalo akong napangiti ng marinig ko ang mga papuri ng mga..Ahm i think..Mga first year students pa lng sila

" thank you!" nakangiting sabi ko

" O.M.G!! kyahhh! pinansin ako ni ate casss!!"

" wahhh! ang ganda ng boses mo ate cassandra!"

" kinausap ako ni Ms.Cassandra! kyahhhh!"

Nagpatuloy na lng ako sa paglalakad at hindi pinansin yung mga bulungan nila

Pagdating ko sa classroom, nandun ulit si calvin at kinukulit si hailey, pero sa kabilang bangko na sya nakaupo..

hindi ko sila pinansin at naupo na sa bangko ko sa kalapit ni hailey, so bali napapag gitnaan namin sya ni calvin

" argh! pwede bang tigilan mo na ako?! nakakainis ka na ah! sawang-sawa na ako sa mukha mo bwesit!" rinig kong inis na sabi ni hailey

" sa gwapo kong toh pagsasawaan mo? hindi mo ba alam na karamihan dito sa campus pinapangarap na kausapin ako? tapos ikaw pinagtatabuyan mo pa"

" wala akong paki! umalis ka na lng pwede? panira ka ng araw eh!"

Hindi ko na sila pinansin at kinuha ko na lng yung phone ko

Itetext ko si zayden hehe..

To: zayden baby loves💕

sabay ulit tau kumain pls..may dala akong foods..:)

Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon