Hailey's Pov~Nandito ako sa may gym, total breaktime naman, nag iisa lng ako dito..
Gusto ko munang mapag isa..ayoko munang maki pag usap kahit kanino.. Gusto kong makapag isip.. Kasi.. Ang sakit na talaga.. Sobra..
Pumikit ako at hinayaan lng ang luha kong tumulo..
Kailan ba ako sasaya? Kailan ba ako magiging ok? Kasi to be honest? Pagod na pagod na akong masaktan..
Agad akong napamulat ng mata ng marandaman kong may nagpunas ng luha sa pisngi ko..
Pero sana hindi ko na lng pala ginawa kasi si kevin lng naman ang bumungad sa akin..
" im sorry ley" mahinang saad nito bago maupo sa tabi ko
Kasasabi ko lng kanina na gusto kong mapag isa diba? Hayst..
" saan?" tanong ko
" kasi. Alam kong ako ang dahilan kung bkit ka nasasaktan at umiiyak ngayon"
" ikaw? Hah! Kapal mo ah" pag deny ko pa
Napansin ko naman ang pagtingin nya sa akin pero ako sa malayo parin nakatingin
" wag ka na mag deny.. Halata naman eh"
" halata naman pala so bakit ka pa nandito?"
" kasi nga gusto kong mag sorry"
" oh? Nakapag sorry ka na, pwede ka ng umalis"
" pero--
Inis ko syang hinarap
" narinig ko na kevin! Nag so-sorry ka kasi nasasaktan at umiiyak ako dahil sayo? Yun ang sabi mo diba? Pero don't worry about me, sanay na ako sa ganito.. Kunti na nga lng at pakirandam ko mamamanhid na ako eh"
" im sorry kasi hindi ko masuklian ang pagmamahal mo sa akin" seryosong sabi nito na ikina tigil ko..
Ouch! Ang sakit lng tang*na!
Nag iwas ako sa kanya ng tingin
" a-alam ko" utal na sagot ko kasabay ng pagtulo ng luha ko
" bkit ba ako pa?"
Pinahid ko yung luha ko pero ayan na naman, pag ka pahid ko pa lng may tutulo na agad,
" eh bkit nga ba ikaw?" balik tanong ko dito
Ng hindi ito sumagot muli akong nagtanong
" bkit si cass? Bakit sa dami ng babae dito sa mundo, bkit sya pa napili mo?" deretsong tanong ko kahit alam kong masasaktan lng ako sa magiging sagot nya
" h-hindi ko alam.. Kusa na lng kasi tumibok tong puso ko sa kanya.. Pinigilan ko pero.. Wala eh"
Ng hindi na ako makapag tiis, tumayo na ako
" yan din ang sagot ko sa tanong mo kanina" sabi ko pa bago tuluyang maglakad paalis
Lakad lng ako ng lakad hanggang sa mapatigil ako dito sa may bench..
Umupo ako sa bench at dun umiyak ng tahimik
Wala namang makakakita sa akin kasi breaktime ngayon at lahat ng estudyante nasa cafeteria
" Alam mo Miss? Pa panget ka nyan pag pinagpatuloy mo pa yang pag iyak mo"
Napa tunghay agad ako ng marinig ang pamilyar na boses na yun
Ng makita ko ang buong mukha nya, ngumiti ito sa akin sabay abot ng panyo
" hailey-babes..."
Tinanggap ko yung panyong binibigay nya sa akin
BINABASA MO ANG
Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )
FanfictionCOMPLETED Title pa lang alam na kung anong simula ng kwento. Yes. Si Cassandra Liah Devine Cerxia, ang Campus Queen ay siyang nanliligaw sa masungit na si Kyle Zayden Lanforde. Mapaamo kaya ni Cassandra ang tigreng si Kyle? Mapalambot kaya niya ang...