Hailey's Pov~
Andito kami ni kevin ngayon sa cafeteria. Breaktime kasi..
" hoy! Tulala jan?! Problema mo?"
" tss wala to! Naalala ko lng si Cass" sabi ko saka kumagat ng burger
" asus!. Namiss mo na sya noh?"
" oo naman! Kahit na may pagka bruha yun syempre namimiss ko din sya noh"
" hayst, kamusta na kaya sya dun?" tanong na naman nito
" wag na natin syang alalahanin, yang si Cassandra malakas at matapang yan kaya sigurado akong kayang-kaya nya ang sarili nya"
" Sana nga, pero teka.. Diba si calvin yun?"
Napalingon naman ako sa nginunguso ni kevin
Boom!
Si calvin nga.. Kasama si ashley..
Bkit ba lagi silang magkasama? Akala ko ba walang sila? Eh bkit kung makatawa sila jan parang wala ng bukas?
" Sabi na eh.. Hindi mo talaga ako gusto"
Napalingon naman ako ng sabihin ni kevin yun
" huh? Anong pinagsasasabi mo jan?" maang-maangan kong tanong
" ok, ibahin ko na lng yung sinabi ko, yung sa mas maiintindihan mo. Mahal mo na sya noh?"
" s-sinong sya?"
" si calvin malamang, sino pa ba? "
Muli kong nilingon ang pwesto kung asan si calvin at agad naman akong nagbawi ng tingin ng makitang nakatingin din sya sakin
" h-hindi ah! Saka meron naman na syang Ashley eh" sabi ko pa bago magpatuloy sa pagkain
" ayun, selos si ate girl haha bkit kasi binusted mo pa eh"
Tinignan ko naman ng masama si kevin, pinaalala pa eh
" kesa naman paasahin ko? Psh"
" kaya ngayon naunahan ka na,naku Ley, kung ako sayo habang maaga pa gumawa na agad ng action"
" tss, tumigil ka na nga jan!"
" oh kesa naman magaya ka sa akin na nagpabaya, umasa na sa pagbabalik ko eh may babalikan pa ako"
Napatahimik naman ako dahil sa sinabi nya
Eh ni hindi ko pa nga sure kung mahal ko talaga si calvin o hindi so pano ako gagawa ng action?!
Hay buhay!
Camille's Pov~
" Seryoso ka?! Hindi nga?!" malakas na sigaw ko ng dahil sa sinabi ni reign
" Oo nga! Sabi nila bago daw umalis si Cassandra papuntang Paris nag break na daw sila Ni kyle!"
" Kyaaahhhh!! Masosolo ko na syaaahhh!!!" malakas ulit na sigaw ko
" Oh? Ano pang ginagawa mo dito? Puntahan mo na si kyle!"
Owtomatiko namang napatayo ako ng sabihin ni reign yun
" oo nga! Sige alis na ako! Bye"
" hoy camille teka lng! Wala si kyle sa condo nya"
" Sige, alam ko na kung nasan sya"
Nakangiting lumabas ako sa apartment ko.
Hintayin mo lng ako kyle. Darating na ako. Hindi mo kelangan ang Isang gaya ni cassandra, at hindi rin ako papayag na sa kanya ka mapunta. At ngayon na wala na kayo at iniwan ka pa nya, sisiguraduhin kong sa akin ka ulit babagsak..
FAST FORWARD
" Zylieee!!!" tuwang sabi ko ng makita si zylie
Pero nakakapagtaka lng dahil wala man lng syang reaksyon.
Lumapit ito sa akin kaya naman agad ko syang niyakap ng mahigpit
" anong ginagawa mo dito?"
Agad naman akong napahiwalay sa kanya ng yakap ng marinig ang boses nya..
Bkit ang cold naman nya ata sakin ngayon?
" i missed you, saka gusto ko makita si kyle, anjan ba sya?" nakangiting tanong ko
Hindi agad sya nakasagot pero maya-maya naman'y nagsalita narin ito
" sa kwarto nya, puntahan mo na lng" walang ganang sagot nito
Gusto ko pa sanang tanungin si Zylie kung anong problema nya pero excited talaga akong makita si kyle eh
" wahh thank you zy! Sige! Puntahan ko na muna sya hihi"
Zayden's Pov~
Ang bigat sa feeling. Yung tipong wala ka namang dala pero pakirandam mo sobrang bigat ng pakirandam mo, ni parang hindi ko nga kayang maglakad eh..
Napabuntong hininga na lng ako ng marinig ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko
" Manang, di ba sabi ko hindi ako nagugut--
" Kyle? "
Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ang boses nya..
Pinikit ko na lng ang mga mata ko dahil ayoko syang kausapin
" Kz.. O-ok ka lng? " nag aalalang tanong nito
" pag sinabi ko bang hindi lulubayan mo na ako?" cold na tanong ko dito dahilan para hindi sya makapagsalita
" no, remember? Yung promise ko sayo dati? Na hinding-hindi kita iiwan kahit kelan--
" pero iniwan mo ako--
" at kung sakali mang iwan kita asahan mong babalik at babalik parin ako sayo--
" wala ka ng babalikan--
" at kung ipagtabuyan mo man ako, diba sabi ko hindi ako susuko? Ganun ang camille na kilala mo diba? Ang camille na minahal mo"
" At ang camille na kilala ko ay yung hindi pinag sisiksikan ang sarili sa taong--
" pero ginagawa ko lng to dahil mahal kita! Dahil hindi ako nawawalan ng pag asa na babalik ka sa akin! Na mamahalin mo ulit ako"
" Si Cassandra na ang mahal ko so please, tigilan mo na ako dahil wala kang mapapala sakin" malamig ulit na sabi ko
" kz naman! Ano bang gusto mong gawin ko para lng mahalin mo ulit ako?" nag mamaka awang tanong nito
" wala, wala kang kailangan gawin camille, kung tunay mo nga akong mahal Patunayan mo"
" kaya kong patunayan yun kyle! ---
" mapapatunayan mo lng yun kung hahayaan mo akong maging masaya kasama si cass"
" maging masaya? Eh diba iniwan ka nya? Sinaktan ka nya kyle!! Ano bang sinasabi mo jan na masaya?!" biglang galit na sabi nito
At dun na ako hindi nakapag pigil.
Hinarap ko sya at galit na tinignan
" umalis ka na lng pwede?!" biglang taas din ng boses ko
" pero kyle--
" Leave! Just Leave Camille!!"
" ok, fine! Pero hindi parin kita titigilan dahil simula ngayon, araw-araw mo ng makikita ang mukhang toh! "
Inis na napahilamos ako sa mukha ko
Sh*t naman!! Ano bang klaseng buhay toh?!
***
BINABASA MO ANG
Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )
FanfictionCOMPLETED Title pa lang alam na kung anong simula ng kwento. Yes. Si Cassandra Liah Devine Cerxia, ang Campus Queen ay siyang nanliligaw sa masungit na si Kyle Zayden Lanforde. Mapaamo kaya ni Cassandra ang tigreng si Kyle? Mapalambot kaya niya ang...