Cassandra's Pov~
Ang bilis lumipas ng araw, tulad ngayon. Andito kami sa airport para ihatid si kevin.
Ngayon na ang alis nya. Hays.
" oh? Anong mukha yan? Para kayong namatayan haha"M loop
Asus, alam ko namang nalulungkot din yan ayaw lng ipakita.
" eh anong gusto mong maging reaksyon namin? Magtatalon at mag pa party kasi aalis ka na?!" sarcastic na sagot ni hailey
Ngumisi naman si kevin.
" asus! Anjan naman mga syota nyo! Haha"
" pero mamimiss ka parin namin!"
" oo nga!"
" ako rin naman, mamimiss ko kayong mga best friend ko"
Nagkatinginan kaming tatlo ng tawagin na yung flight ni kevin.
" pano ba yan? Goodbye na talaga, ingatan nyo sarili nyo ah? Ikaw Ley, bawas-bawasan mo yang kasungitan mo at baka yan ang dahilan para iwanan ka ng boyfriend mo, ikaw naman cass, wag masyado magmahal ah? Baka yan pa ang ikasira mo pag nagkataon"
Parang tatay na nanermon.
"opo itay" sagot ko kaya napatawa sya
" sige na, alis na ako"
Niyakap naman namin agad sya ni hailey.
" mag ingat karin"
" sana makita mo na dun yung taong magpapasaya talaga sayo"
" ASA. Haha alis na ako"
Nag kaway na sya at naglakad na paalis.
Pareho naman kaming napabuntong hininga ni hailey.
Wala na talaga sya. Umalis na sya. Mamimiss ko yung kakulitan nya.
" so alis na tayo? "
" tara"
Umalis na kami ni hailey sa airport at deretso na sa kotse nya.
Kay Hailey na kotse ginamit namin.
Saktong pag sakay ko ang pag tunog ng phone ko.
Tinignan ko naman kung ano yun.
From: Boyfie💕
' hey, where r u?'
Ouy! Kay zayden galing hihi.
Narandaman kong umandar na yung sasakyan..
To: Boyfie
' Airport. Hinatid namin si kevs. Pero paalis narin kami'
Agad naman akong nakatanggap ng reply. Ang bilis.
From: Boyfie
' punta kayo dito sa ***** bar'
Kayo? Ibig sabihin kami ni hailey?
" oy hailey, alam mo ba yang ***** bar?"
Napaisip naman sya..
" ah oo! Nasabi sakin ni cal na pag mamay ari daw yan ng coach nila, bkit?"
" pinapapunta kasi tayo ni zayden dun"
" pati ako?"
" tayo nga diba? Bingi lng teh?"
Napairap naman sya. Psh.
" ayoko. Ikaw na lng"
" andun si calvin"
BINABASA MO ANG
Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )
FanfictionCOMPLETED Title pa lang alam na kung anong simula ng kwento. Yes. Si Cassandra Liah Devine Cerxia, ang Campus Queen ay siyang nanliligaw sa masungit na si Kyle Zayden Lanforde. Mapaamo kaya ni Cassandra ang tigreng si Kyle? Mapalambot kaya niya ang...