Cassandra's Pov~
Hindi ko alam kung tama ba tong desisyon ko.. Pero sa tingin ko naman, ito yung mas makakabuti para sa aming dalawa..
Nandito ako ngayon sa may school namin..
Kahit linggo, pwede parin namang pumasok ang mga estudyante dito. Hindi naman pinag babawal yun..
So heto ako mgayon, sa likod ng school sa garden kung saan lagi kami nakatambay ni zayden.. Ang naging saksi sa pag mamahal. Ko sa kanya..
" hey cass"
Napatingin ako sa nagsalita.. Finally.. Andito na sya..
" Zay" ngumiti ako ng pilit sa kanya..
Lumapit ito sa akin at mabilis akong niyakap
" im sorry cass, sorry sa lahat ng ginawa ko sayo, sorry kung sinaktan na naman kita, pero pangako.. Sa pagkakataong to hindi ko na uulitin yun, gagawin ko ang lahat para lng mapasaya kita at hindi masaktan"
Ayan na naman yung mga luha ko.. Diba pinakiusapan ko na kayo? Wag muna ngayon please.. Ayoko ng umiyak.. Mahapdi na sa mata..
Ako na ang unang humiwalay sa yakap..
Tumungo ako.. Ayokong tumingin sa mga mata nya.. Baka magbago ang isip ko..
" thank you sa halos dalawang buwan zay" panimula ko
" a-ano bang sinasabi mo jan?" naguguluhang tanong nito
" alam mo? Nong naging tayo.. Sobrang saya ko.. Feeling ko nga nanalo na ako sa lottto nun eh.. Imagine? Yung lalaking pinakamamahal ko.. Sinabing girlfriend na raw ako" napangiti pa ako kahit randam ko ng nag iinit na yung sulok ng mga mata ko
" Cass.. K-kung ano man yang b-balak mong sabihin.. P-please lng.. W-wag mo ng ituloy" utal na pakiusap nito pero hindi ko sya Pina kinggan..
" kahit na ilang months lng yun.. Salamat parin kasi pinarandam mo sakin kung anong feeling na maging boyfriend ka.. Naging masaya rin naman ako kahit papaano.. Kahit na minsan.. Ah no. Kahit na lagi kong nararandaman na ako lng yung nagpapahalaga sa relasyon natin"
Agad kong pinunasan yung luhang tumulo sa pisngi ko..
Hindi ko makita ang reaction nya dahil nakatungo parin ako hanggang ngayon..
" I-im sorry.." nasabi lng nito
" mahal kita zayden.. Sobra.. K-kaya kung kay camille ka masaya.. H-handa akong magparaya"
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan na tumulo yung luha ko..
Hinawakan nya ako sa braso ko
" No! Cass wag naman ganyan! Ikaw ang gusto ko! Ikaw ang mahal ko maniwala ka naman oh!" biglang taas ng boses nito
" Mahal kita.. Mahal na mahal at tiniis ko lahat ng sakit kasi nga mahal kita.. P-pero marunong din ako mapagod.. Marunong din akong sumuko.. "
Wala na, tuluyan ng nakawala ang luhang kanina ko pa pinipigilan..
Pinupunasan ko pero ayan na naman, tutulo na naman.. Para ngang may sarili silang isip eh..
" W-wag naman ganyan cass.. Bigyan mo pa Ako ng isang chance para patunayan sayo na ikaw ang gusto ko at hindi sya! Please.. Mahal kita Cassandra, ikaw lng"
" Gusto kong maniwala sayo eh.. Pero sa tingin ko.. Ngayon ko mas napatunayan na tama nga yung sinasabi ng karamihan.. Pinagtagpo lng tayo pero hindi tayo tinadhana"
" No! Cass! Ano ka ba?! Wag mo namang sabihin yan! Bkit ka ba nagkakaganyan?! Dahil ba may camille?! Sige. Pupuntahan ko sya!"
Akmang tatalikod na ito pero agad ko syang napigilan sa braso
" h-hindi..hindi sya ang dahilan.."
Humarap ito sa akin kaya ngayon.. Eyes to eyes kami..
" then what?! Sabihin mo sakin!! "
" tanggapin na lng natin yung katotohanan na hindi talaga tayo para sa isa't isa--"
" Damn it Cassandra!! Ano ba namang klaseng rason yan?! Naiintindihan ko naman na nasaktan kita! Na hindi ko napahalagahan yung relasyon na meron tayo! Na nawalan ako ng time sayo pero kaya nga andito ako ngayon diba?!! Humihingi ako ng isa pang pagkakataon para itama yung mga pagkakamali ko!! Ang kelangan ko lng naman eh payagan mo kong patunayan na mahal kita at ikaw lng!! "
" Bkit ba ngayon mo lng naisip yan? Bkit hindi pa noon? Bkit ngayon lng zay? " biglang hina ng boses ko
Hindi na ako nagulat ng bigla nya akong hikitin sa kamay at yakapin ng mahigpit
" kaya nga humihingi ako sayo ng isa pang chance diba?"
Napapikit na lng ako at saka sya tinulak palayo
" let's break up Kyle.. Kung ipapagpatuloy pa natin to mas lalo lng tayong magkakasakitan.." dere-deretsong saad ko
Kitang kita ko sa expression nya na nasaktan sya dahil sa sinabi ko pero nasabi ko na eh, wala ng atrasan to
" Cass.."
" Im sorry.. Makakahanap ka pa ng iba jan.. " saad ko at nilampasan na sya..
" Cassandra! " sigaw nya pero hindi ako lumingon..
Pinilit kong huwag lumingon dahil pag ginawa ko yun baka tumakbo ako.pabalik sa kanya..
Ng makarating ako sa loob ng kotse ko, agad ako dung umiyak..
Im sorry zayden.. Im sorry pero ginawa ko lng kung ano yung mas makakabuti sa ating dalawa..
Pinunasan ko muna yung mukha ko at saka kinuha yung phone sa bulsa ko at dinial ang number nya..
Calling allison...
( Hello sista? Napatawag ka?)
Matagal bago ako nakasagot
( Sis? Anjan ka pa?)
Bumuntong hininga ako bago nagsalita..
" Sasama na ako"
( H-huh? Sigurado ka?!)
" Oo..sasama ako sa paris"
( oh sige! Buti naman at nagbago ang isip mo, pero sabihin mo sakin mamaya kung bkit!)
" dapat ba may dahilan?"
( oo! Hindi ako naniniwala sayong basta na lng nag bago ang isip mo! Mag kwento ka mamaya sakin!)
Ini end ko ba yung call at saka nang hihinang napasandal na lng..
Napapikit ako at pumasok na naman sa isip ko yung mukha ni zayden..
Hindi ko namamalayan.. Tumutulo na naman pala ang luha ko..
Wala ng kami.. Ganun lng kadali yun.. Mahirap tanggapin pero kakayanin ko..
***
BINABASA MO ANG
Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )
FanfictionCOMPLETED Title pa lang alam na kung anong simula ng kwento. Yes. Si Cassandra Liah Devine Cerxia, ang Campus Queen ay siyang nanliligaw sa masungit na si Kyle Zayden Lanforde. Mapaamo kaya ni Cassandra ang tigreng si Kyle? Mapalambot kaya niya ang...