Chapter 47

548 18 0
                                    


Zayden's Pov~

" Pano kung.. Kung sinabi kong.. Hindi na pwede? Ayoko na? Pagod na ako? Suko na ako?"

Ayan lng ang sinabi nya sa akin, na naging dahilan para tuluyang gumuho ang mundo ko. Pakshet! Ang sakit pala! Karma ko na ba to? Ganto ba yung narandaman nya nong mga oras na sinaktan ko sya? O mas matindi pa dito? Siguro nga karma ko na to. Pero bkit ang sakit? Ang sakit marinig mula sa kanya yung mga yun, naisip ko rin naman na sasabihin nya yang mga yan pero di ko na isip na ganto pala kasakit.

" o-ok ka lng? Hoy Zayden!"

Hindi ako nagsalita, tinitigan ko lng sya.

Habang ginagawa ko yun, mas na realize ko na ang gago ko talaga! Sh*t kyle! Ayan na sya! Yung sinayang mo! Yung hindi mo pinahalagahan! Ayan na sya sa harapan mo oh!

" a-ah pwede bang.. Pwede bang wag mo ko titigan? Nakakailang kasi"   hindi ako nakinig sa kanya.

" yun na ba talaga ang desisyon mo? "

" alin?"

Eeh? Ang gulo nya.

" diba sabi mo.. Hindi na tayo pwede, ayaw mo na, pagod ka na at sumusuko ka na" pag uulit ko pa sa mga sinabi nya kanina

" sinabi ko nga yun pero hindi naman ibig sabihin na sinabi ko yun eh yun na agad ang desisyon ko, syempre gusto ko lng itanong kung pano nga kaya kung yun ang sinagot ko sayo? Saka gusto kung makita reaksyon mo at--

Cassandra's Pov~

Bago ko pa matapos ang pagsasalita ko eh narandaman ko na lng ang pag yakap nya sa akin.

Hindi ako makaimik, ng dahil narin sa gulat at dumagdag pa si heart na sobrang nagwawala na talaga

Ipinaling ko ang ulo ko sa kanya ng may marandaman akong mainit na pumatak sa balikat ko.

" h-hoy zay! Ok ka lng? Umiiyak ka ba?"

Pero imbis na sumagot ay mas hinigpitan nya na lng ang pagkakayakap nya sa akin

Kaya naman yumakap narin ako sa kanya

" umiiyak ka nga. Dahil ba sa naging desisyon ko? Mali ba? Ayaw mo ba? Akala ko ba gusto mong makipag balikan sakin? Ito nga, pumayag na ako diba? Kung alam ko lng na ganyan ang magiging reaksyon mo sana hindi na lng ako puma--

"stop! Don't say that!"

Hihiwalay na sana ako sa yakap sa kanya ng mas higpitan nya pa ang pagkakayakap sakin.

" tinakot mo ko, akala ko.. Akala ko iiwan mo na talaga ako"

" iiwan talaga kita pag sinaktan mo pa ako! Last chance mo na to noh!"

As if namang kaya ko yun.

" im sorry, sorry cass"

" stop saying sorry, kalimutan na natin yun at magsimula ulit tayo pero bago yun, pwede pakibitawan muna ako?  Nahihirapan na akong huminga eh"

Agad naman nya akong binitawan kaya nakahinga na ako ng maluwag

" sorry"

" ok lng"

" so.. Tayo na ulit?"

" huh? Ligaw muna" biro ko

" no need, alam ko namang dun din ang punta non eh"

" yabang mo! Pasalamat ka mahal kita!"

" at pasalamat kadin kasi mas mahal kita"

Oh sh*t!  Waaahhhhh!!! Zayden naman ehh!! Wag ganyan huhu! Mababaliw ako neto!!

Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon