Chapter 45

597 29 0
                                    


Zayden's Pov~

After 2 weeks...

2 weeks.. 2 weeks na pala ang nakaraan.. Pero wala parin si cass. Hindi parin sya dumarating. 2 weeks pa LANG yun. Pero feeling ko.... Wala.. Wala akong nararandaman..manhid na ba ako? O sadyang nagkakaganito lng ako dahil sobrang miss na miss ko na sya?

2 weeks pa lng pero ang hirap na pano pa kaya pag 3 years na diba? Parang di ko kaya.. May plano na nga ako eh.. Pag hindi ko pa sya nakita or pag hindi pa sya dumating ngayong linggong ito.. Susundan ko na talaga sya sa paris..

" bro, tara na sa gym, tayo na lng kulang"

Tinanguan ko lng si cal saka kami lumabas ng room at naglakad papunta sa gym.

May game kasi kami bukas, at last practice na namin ito.

Actually, dapat kasi kasabay to nong competition nila cass, kaya lng iniba yung sched para daw mas masuportuhan ng mga estudyante dito si cass, syempre sya panlaban ng University eh.

" Captain! Tulala ka na naman! Ni hindi mo nga nakita yung bolang binato ko sayo eh" bungad ni vince pagkapasok namin ni cal sa gym

Akala ko lalapit sya sa amin yun pala kinuha nya lng yung bolang nasa likuran namin ni cal, hindi ko nakita. Binato nya pala.

" ang lalim ng iniisip mo ah" lance na nakalapit narin pala samin

"asus! Parang di ka na nasanay, nangyari lng naman yan simula nong iwan sya ni ca--ouch! Oo na! Tigil na nga"  nakangiwing sabi ni kin, pano siniko lng naman sya ng katabi nyang si lance

Lahat kami ay napatingin kay coach ng pumito ito

" Practice na! Bukas na ang game kaya dapat wag kayo mag aksaya ng oras!" sigaw nito

" coach, wag kang mag alala, mananalo tayo tiwala lng, diba kyle?"

Nasalo ko naman ang bolang binato ni vince sakin

" gagalingan namin pangako coach! Ipapapanalo namin ang laban diba loverboy? " nakangising sabi nito

Kin+Vince=pakshet!

Imbes na pag tuonan sila ng pansin, tumakbo na lng ako papunta sa ring habang pinapa ugtol yung bola.

Napansin kong umayos narin sa pyesto ang mga kasamahan ko.. Mga seryoso sila ngayon hindi kagaya nong mga nakaraang araw na ginagawa lng nilang laro ang pag pra-practice.

Nasa akin ang bola ngayon, at ang kailangan ko lng, ingatan ito para hindi makuha ng kalaban.

Ng mapansin kong gunalaw na sila vince na syang nagsisilbi naming kalaban ngayon, humanda na rin ako

I dri-drible ko pa lng sana yung bola ng...

WTF?!

Naagaw sakin ng pesteng si kin yung bola at agad na ishi-noot yun.

" Nice one kin!" tuwang sigaw ni vince, magkakampi sila eh.

Nabaling naman ang tingin ko sa nakasimangot na si cal at kay lance na sobrang sama na ng tingin sa akin

Panong hindi sila mag seseryoso eh sinasamantala nila ang sitwasyon ko ngayon? Alam nilang hindi maganda ang paglalaro ko ngayon o nong mga nakaraang araw o sabihin na nating sa lahat ng practice kaya ang mga gago nag pustahan, kung sino ang manalo ngayong araw gagawin ang ano mang gustong ipagawa ng nanalo.

" 1-0  na! Galingan nyo naman!"

Pakyu ka talaga vince! Lampaso kita jan eh!

Nagtuloy-tuloy lng yung laro at ako? Ni isang shoot wala. Ano bang nangyayari sakin?

Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon