Cassandra's Pov~
Alas nuebe na pero andito parin ako sa kama ko hanggang ngayon, sabado kasi kaya walang pasok..
Pero hanggang ngayon nag iisip parin ako kung pupunta ba ako sa Monte Villas Café
Gusto kong pumunta kasi na cu-curios ako.. Pero at the same time, na tatakot ako na baka kung ano ang makita ko dun..
Pero pano ko ba malalaman kung ano ang meron dun kung hindi ko pupuntahan diba?
Oh sya sige, punta na ako dun. Bahala na si batman sakin.
**
" oy sista! San punta mo? Bihis na bihis ka ah" takang tanong ni alli sakin
" jan sa may Monte Villas Café, type ko dun pumunta eh"
" may bagyo kaya! Ang lakas ng ulan sa labas hindi mo pansin? Dito ka na lng" may pag aalala sa boses nito
" nah, ulan lng yan noh, madali lng ako dun promise babalik din agad ako"
" oh sige, basta bumalik ka agad ah?"
" oo na! Unli mo eh" sabi ko at kinuha yung payong sa gilid ng pinto at lumabas
Pumunta ako sa may garage at sumakay sa kotse ko,
Agad kong pinaharurot paalis yung kotse ko at nag park naman ako sa hindi kalayuan sa
Monte Villas CaféHindi pa ako nakakalapit ng tuluyan pero tanaw na tanaw ko na agad si camille sa loob dun, Glass Wall kasi yun at nasa tabi sya kaya kitang-kita ko sya dun..
Ayoko namang lumapit sa kanya dahil ayokong makita nya ako..
Nagtago ako sa may puno, sh*t! Ang lakas ng ulan tas sinabayan pa ng hangin!
Pero no choice ako eh, ginusto ko toh kaya kelangan ko mag tiis..
Napa ayos naman ako ng tayo ng may matanaw akong dumating at lumapit sa kanya..
A-anong ginagawa nya? Bkit sila magkasama?
Zay.. Ano to?! Niloloko mo ba ako?
Hinawakan ko ng mahigpit tong payong dahil baka lumipad sa lakas ng hangin, medyo nababasa narin tong damit ko sa lakas ng ulan pero hindi ko na pinapansin yun, gusto kong makita kung ano ang ginagawa nila, at kung pwede gusto ko rin marinig ang pinag uusapan nila pero hindi ko naman kaya..
Halata sa expresyon ni zayden na parang galit ito dahil nakakunot ang noo nya
Ano kayang pinag uusapan nila? Bkit parang apektado si zayden?
Nakatutok ang mata ko sa kanilang dalawa ng biglang may vibrate ang phone ko
Tinignan ko naman kung sino yun..
' 1 messages received from Allison'
' Hoy sissy! Balik ka muna dito, andito si papa sa bahay, sa monday na daw yung alis namin eh'
Huwat?! Akala ko ba sa friday pa?!!! Bkit naging sa lunes?!!
Mag rereply pa sana ako ng hindi sinasadyang napatingin ako sa pwesto nila zayden..
....
sobrang sakit... Feeling ko tinatadtad yung puso ko.. Yung feeling na sinagasaan ka ng truck ng paulit-ulit... Ganyan yung pakirandam ko ng makita ko silang mag.... Kiss
Napakagat labi na lng ako saka tumungo, narandaman kong tuluyan ng tumulo yung luhang kanina ko pa pinipigilan..
Mas masakit pa toh nong nakita ko si papa na umiiyak..
BINABASA MO ANG
Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )
FanfictionCOMPLETED Title pa lang alam na kung anong simula ng kwento. Yes. Si Cassandra Liah Devine Cerxia, ang Campus Queen ay siyang nanliligaw sa masungit na si Kyle Zayden Lanforde. Mapaamo kaya ni Cassandra ang tigreng si Kyle? Mapalambot kaya niya ang...