Cassandra's Pov~Hindi na muna ako nagpahatid kay zayden.
Uwian na kasi at dahil nga sa nakakahabag na anunsyo ni kevin, nag desisyon kaming tatlo na mag mall muna ngayon.
Hindi ko isinama si zayden kahit na nagpupumilit sya dahil bonding nga namin itong tatlo.
So heto nga at dala namin ang sari-sarili naming sasakyan.
Kanina pa ako andito sa harap ng mall pero yung dalawa kadarating lng.
" oh buti naman nakarating pa kayo, akala ko nilamon na kayo ng kotse eh" sarcastic na sabi ko ng makalapit sa akin yung dalawa
Inakbayan naman ako ni kevin at saka kami naglakad na tatlo papasok sa mall
" mainipin ka lng talaga!"
Napairap naman ako saka tinanggal ang naka akbay nyang kamay
" mukha mo! Oh sya dating gawi! " sabi ko at ipinatong sa hangin yung kamay ko. Pinatong naman nilang dalawa yung kamay nila sa kamay ko.
Alam nyo ba yung laro na " maiba ay sya ang taya? " kung sino ang maiba syempre sya ang...
" waahh! Swerte natin cass! Si kevs ang manlilibre ngayon!" tuwang sabi ni hailey
Nakangisi namang nag pamewang ako
" pano ba yan? Ikaw ang nakatoka ngayon! Hmm! Sisiguraduhin kong mabubutas yang wallet mo! "
Napangiwi naman sya kaya kami ni hailey tuwang nag apir saka pumasok na sa loob ng mall.
" oy kevinn!! Tara duunnn!!! Ang gaganda nong mga damit oh!" tuwang sigaw ni hailey saka hinila si kevin papasok sa isang boutique kaya naman sumunod ako.
Iwan ba naman ako?
Syempre ano pa nga ba ang ginawa naming dalawa ni hailey? Pili doon, sukat dito, ganun lng. At alam nyo ba kung ilang paper bag ang dala ni hailey pag ka labas namin ng boutique na yun? 8 lng naman haha akin nga 5 lng eh, ganun talaga kami sinusulit hanggang libre waahahhahaa
Sumunod naman kami sa mcdo.
Nagutom kami eh haha
Napatingin ako sa nakabusangot na mukha ni kevin.
" oy anyare sa mukha mo?" natatawang tanong ko
" tss, ka wi-widraw ko lng kahapon tapos ngayon.. Hays"
Napatawa na lng kami ni hailey habang kumakain.
Wag kayong mag alala, naranasan na din namin ni hailey yan kaya gumaganti lng kami.
Pagkatapos namin kumain pumunta na agad kami sa karaoke room.
Kumanta lng kami ng kumanta at halos mamatay na ako sa katatawa tuwing kumakanta si kevin
Sintonado kasi hahahahahha
" ayoko na nga! Pinagtatawanan nyo lng ako eh!" nakasimangot na sabi ni kevin
" oy kevs wag kang kj! Last na to kaya makisama ka!" pigil ang tawang sabi ko
Pinilit pa namin si kevin pero ayaw na nya talaga kaya lumabas na kami ng karaoke room.
Marami pa kaming pinuntahan at ginawa, ginawa talaga namin ang lahat para ma sulit tong bonding na to ay para masiguradong ubos ang pera ni kevin hahahah
So heto nga at nandito na ako sa loob ng kotse ko.
Nagkayayaan ng umuwi kasi gabi narin.
Hindi pa ako nakakalayo sa mall ng may makita akong pamilyar na mukha.
BINABASA MO ANG
Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )
FanfictionCOMPLETED Title pa lang alam na kung anong simula ng kwento. Yes. Si Cassandra Liah Devine Cerxia, ang Campus Queen ay siyang nanliligaw sa masungit na si Kyle Zayden Lanforde. Mapaamo kaya ni Cassandra ang tigreng si Kyle? Mapalambot kaya niya ang...