Chapter 43

486 20 1
                                    

Zayden's Pov~

(Next day)

Nandito ako ngayon sa kitchen, nagluluto pang breakfast ko.

Kanina pa text ng text si cal kung bkit hindi na naman daw ako pumasok pero ni isa dun hindi ko ni replyan, Tinatamad ako eh saka hindi sya yung hinihintay kong mag text..

Habang nagluluto tuloy ako ng egg at bacon, naisip ko si Cass.. Ano kayang ginagawa nya ngayon? Nagluluto rin kaya sya gaya ko?

Namimiss ko na kasi yung mga luto nya.. Namimiss ko na sya...

Pagkaluto nun, agad na akong naghain oara sa sarili ko at kumain.

Maghuhugas na sana ako ng pinagkainan ko ng biglang may mag doorbell kaya naman kahit na ayokong pagbuksan dahil abala sya eh napilitan parin ako..

Ngunit pagbukas ko...

" Ano na namang ginagawa mo dito?" iritang tanong ko

Bumuntong hininga muna ito na para bang nag iipon ng lakas saka tumingin sa akin

" A-alam kong naiinis ka na sa akin, alam ko rin na ayaw mo na akong makita pa, pero kakapalan ko na ang mukha ko.. Alam kong hindi ka papayag pero umaasa parin ako kahit papano.. S-sana.. Pagbigyan mo akong makasama ka kahit ngayong araw lng kyle"

Tinitigan ko naman sya..

Seriously camille?!

" Bigyan mo ako ng rason para pagbigyan ka"

" Promise, pag katapos nitong araw na to, never mo na akong makikita kaya ng gusto mo, hindi mo na maririnig ang boses ko, hindi narin kita kukulitin, at hahayaan ko na kayo ni cassandra"

" sinabi mo na rin yan noon pero hindi ka tumulad"

" Kahit ngayon lng kyle.. Please..paniwalaan mo ako kahit ngayon lng ulit.."

Habang tinitignan ko si camille ngayon, naaalala ko yung mga alaalang meron kami dati..

Kahit papano may pinagsamahan din kami.. Siguro nga nagawa nya lng ang lahat ng to dahil sa pag ibig..

" I-I'll take that as a no. Sige. Ok lng, naiintindihan ko nam--

" hintayin mo ko jan, magbibihis lng ako"

Bago ako tuluyang makatalikod sa kanya nakita ko pa ang bahagya nyang pag ngiti.

F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D

" Naalala mo tong lugar na to?"

Hindi ako nakatingin sa kanya pero kita ko mula sa gilid ng mata ko na nakangiti sya

" Yeah."

" dito tayo lagi noon madalas na pumupunta"

Natatandaan ko nga, sa tuwing nag de-date kami lagi kaming dito pumupunta. Kaya naman maraming ala-ala ang nakita ko dito sa amusement park na to pag pasok pa lng namin

" dito kita sinagot nun"

" dito karin nakipag hiwalay sakin"  sabi ko naman

Napansin kong natigilan sya pero maya-maya ay Ngumiti na ulit

" tara na, simulan na natin"

Tumango lng ako at saka nauna ng maglakad, sumunod naman sya sa akin

" Kz, sakay tayo sa roller-coaster?"

Napatingin naman ako sa kanya

" hindi mo kaya jan diba? Lagi ka kayang nasusuka"

" tanda mo pa yun? Haha"

Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon