Allison's Pov~
" Sweetie? Ano bang pinagsasabi nyan?" tanong nong lalaking nakahawak sa bewang nya
" d-di ko alam sweetie...."
"mommy? Tara na!"
Tumingin naman si mama dun sa batang babae na may dalang doll..
" sweetie, mauna na muna kayo, kakausapin ko lng sila" sabi ni mama
Hindi naman na umangal pa yung kasama nya na sigurado akong bago nyang pamilya.. Pagkalayo nong kasama nya agad na tumingin sa amin si mama
" cassandra! Allison! Pwede bang umiwas na lng kayo?! O kung pwede pag nagkasalubong ulit tayo mag panggap na lng kayong hindi tayo magkakakilala" napansin kong may luhang tumulo sa mga mata nya pero para sabihin ko sa inyo.. WALA AKONG PAKI KAHIT NA LUMUHA OA SYA NG DUGO!
"ma! Bkit ba ganyan ka?! Kami yung tunay mong pamilya pero bkit kami yung pinag tatabuyan nyo?!"
Narandaman kong tumulo narin ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.. At kung maaari.. Tinitiis kong manahimik dahil baka kung ano ang masabi ko sa kanya..
" nong mahanap ko sila.. Ang pamilya ko ngayon.. Pinangako ko sa sarili kong.. Kakalimutan ko na kayo.. Ibabaon ko na lng lahat ng alaalang meron ako tungkol sa inyo.. A-alam kong ang kapal na ng mukha kong humiling pa ako sa inyo pero sana.. Kung maaari.. Ituring na lng natin ang isa't isa na hindi magkakakilala"
Napakuyom ang kamay ko ng marinig ang mga sinabi nya..
" wala kang kwentang ina" mahinang sabi ni cass sa kabila ng katahimikan
" a-anong sinabi mo?! Ulitin mo nga" biglang galit na sabi ni mama
" ang sabi ko wala kang kwentang i--"
PAK!
" Oo hindi ako naging mabuting ina sa inyo pero para sabihin mo yan sa akin?! Hindi mo alam ang tunay na nangyari kaya wag na wag mo kong pagsasalitaan ng ganyan!"
" Cass!" sigaw ko ng bigla itong tumakbo
Galit na tumingin ako sa nanay kong nasa harapan ko parin ngayon
" ang kapal ng mukha mong sabihin yan! Ikaw yung nang iwan! Kaya ikaw ang walang karapatan na pagsalitaan at pagbuhatan ng kamay ang sino man sa amin! Dahil para sabihin ko sayo wala ka lng talagang kwentang ina! Anong akala mo sa amin?! Laruan na pag pinag sawaan mo na iiwanan mo na lng at hahanap ng iba?! "
Tumigil muna ako sa pagsasalita dahil umiiyak na talaga ako pero agad ko iyong pinunas dahil hindi naman sya dapat iyakan
" alam mo ba na sa bawat taon ng pinag didiwang ko ang aking kaarawan? Alam mo ba kung ano ang hinihiling ko? Sana hindi na lng ikaw ang naging nanay namin" after kong sabihin yun eh nilampasan ko na sya..
Cassandra's Pov~
Hindi ko na alam Kung saang parte ng mall Ako napunta basta ang kelangan ko lng eh mapag isa..
Naupo ako sa semento at saka ko niyakap ang mga tuhod ko at dun umiyak..
Ang sakit lng kasi.. Nanay namin yun eh! Yung feeling na, hindi ka pa nakakalapit pero pinag tatabuyan ka na agad, hindi ka pa nakakapag salita papatahimik ka na agad, yung papasok ka pa lng sa bahay nyo pinag saraduhan ka pa ng pinto, ganun lng, parang kahit na ilang beses mong isingit ang sarili mo at piliting makapasok alam mong hindi mo kaya dahil pinag lockan ka na..
Galit ako sa kanya pero mas galit ako sa sarili ko.. Bkit ba kahit sinaktan nya na ako gusto ko parin syang makita at makasama?! Ano bang meron sa kanya?!!
BINABASA MO ANG
Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )
FanfictionCOMPLETED Title pa lang alam na kung anong simula ng kwento. Yes. Si Cassandra Liah Devine Cerxia, ang Campus Queen ay siyang nanliligaw sa masungit na si Kyle Zayden Lanforde. Mapaamo kaya ni Cassandra ang tigreng si Kyle? Mapalambot kaya niya ang...