Cassandra's Pov~
" ano? Tapos na kiligin? Pwede na makinig sakin?"
Napatingin ako kay allison na nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto ko.
Katatapos lng kasi naman mag usap ni Hailey at nalaman kong sila na ni calvin haha taray. Dati rati lng nag susungit pa ang gaga tapos ngayon bibigay rin pala.
" oh ano ba sasabihin mo?"
" may bisita ka, zylie pangalan, kanina ka pa hinihintay sa sala"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang pangalang tinutukoy nya.
" z-zylie? Yah! Bkit ngayon ka lng nag salita?!" inis na tanong ko dito saka mabilis na tumakbo papunta sa baba.
At dun ko nga nakita si zylie na uncomfortable na nakaupo mag isa sa sala.
" hey, uhm.. Kanina pa pa jan?"
Napatingin naman sya sa dereksyon ko.
" hindi naman, mga 8 minutes pa lng"
Nakangiwing napakamot na lng ako sa ulo ko.
" ah hihi S-sorry"
Naupo ako sa katapat nya.
" may gusto ka bang kainin o inumin?"
" no thanks. Aalis din agad ako"
Napatango ako
" so.. A-anong sadya mo?"
" papasalamat lng ako sayo, hindi mo kasi ako iniwan nong isang gabi"
Napangiti na lng ako
" it's ok. Kahit naman ipagtabuyan mo ako nun hindi ako aalis sa tabi mo eh"
" ok. So yun nga ang dahilan kung bkit ako nagpunta dito, wag mo na tanungin kung pano ko nalaman tong bahay nyo, at hindi rin ibig sabihin nito ok na tayo"
Tumango lng ulit ako dahil sa pag susungit nya
Napansin kong napakunot ang noo nya at mas lalong sumimangot
" may problema ba?"
" naiinis ako"
Sakin?
" alam ko hindi mo ako gusto, sinabi mo na rin yan nong isang gabi at tanggap ko na--
" naiinis ako kasi nagugustuhan na kita para kay kyle"
0___0
" una na ako"
Bago pa ako maka react ay tumayo na sya at deretsong lumabas ng bahay.
Hala sya. Waaaahhhh!! Im so happy!!! Kyaahh!! Finallyyyy!!!
" sino yun?"
Napatingin ako kay allison na kauupo sa dating inupuan ni zylie
" zylie"
" alam ko, i mean kaano-ano mo sya?"
" kapatid ni zayden"
" talaga? Hmm mukhang masungit"
Masungit talaga!
" ay oo nga pala alli! Ano na yung desisyon mo? Diba gusto kang kuhanin ni tita aiza?"
Nong nasa paris kasi kami sinabi ni tita aiza na gusto nyang dun mag aral si Allison, payag naman si papa kung yun talaga ang gusto ni allison pero nakauwi na kami't lahat hindi parin namin alam kung ano desisyon nitong kapatid ko.
" hindi ko alam, ayokong iwan si papa"
" payag naman si papa ah?"
" alam ko pero nag dadalawang isip parin ako eh"
" ganto na lng isipin mo, diba gusto mo mag doctor? Si kuya Izaack doctor diba? At sabi nya kaya ka nyang tulungan makapag doctor kahit na ang bata mo pa? 24 pa lng sya ng makapag doctor alli, maganda na yung chance na binibigay sayo ni god, gusto mo bang mag antay pa ng 10 years? "
Napaisip naman sya dahil sa sinabi ko.
" oo nga pero... Si papa"
" si papa ba talaga ang dahilan o iba? Andito naman ako para alagaan si papa eh"
" bigyan mo pa ako ng time para makapag isip"
" alli!" sigaw ko ng bigla syang tumayo, tatakas na naman eh
" Don't worry li'l sis, ikaw una makakaalam sa desisyon ko, so sya sige. Punta na muna ako sa room ko"
At yun nga, naiwan ako dito mag isa.
Hays. Ano ba pwedeng gawin? Saturday ngayon. Walang pasok.
Gusto ko makita si zayden!!
Miss ko na sya!!
Zayden's Pov~
Andito ako ngayon sa bahay namin, gusto ko kausapin si zylie. Alam kong may tampo parin sya sa akin at ayoko ng magtagal pa yun.
" zy, san ka galing?" salubong ko kay zylie. Kanina ko pa sya hinihintay dito at ngayon lng sya nakarating.
" jan lng"
Lalampasan na sana nya ako pero agad ko syang pinigilan
" can we talk?" pakiusap ko
" you're already talking"
Hays. Minsan talaga nakakatamad kausain to. Napaka pilosopa.
" im sorry"
Nagsalubong naman ang kilay nya
" sorry? For what?"
" sa mga nagawa at nasabi ko sayo"
Mukha namang nagets nya yung sinabi ko dahil napatango sya
" it's ok. Tama ka naman, hindi ko dapat pinapakialaman buhay mo"
" pero mali parin kasi kapatid kita"
" oh diba ikaw narin nagsabi na kapatid mo lng ako?"
" kaya nga nag sosorry ako diba? Alam kong mali yung mga nasabi ko sayo, sorry dahil nagpadala ako sa emosyon ko, hindi ko dapat sinabi yung mga yun sayo, kapatid parin kita at tama ka, dapat mahalaga rin sa akin kung ano Magiging reaksyon o opinyon nyo sa buhay ko dahil pamilya ko parin kayo. Im sorry zy. Sorry dahil di kita inintindi.. Im sorry"
Hindi sya nagsalita pero napailing sya saka lumapit sa akin para yumakap
" sorry din. Dapat kasi naging masaya na lng ako para sa inyo ni cass, sorry din kasi gusto ko lagi gusto ko nasusunod, sorry sa pagiginh Pasaway"
Niyakap ko din sya ng mahigpit..
" kalimutan na natin yun"
" hmm"
Nag hiwalay kami ng yakap at ng may maalala ako..
" tungkol kay drake--
" wag mo banggitin ang pangalan ng gagong yun"
" ok, pero tungkol sa kanya, bkit hiniwalayan ka nya?"
" dahil sa ex-bedt friend ko"
"huh?"
" ginamit lng nya ako para mapalapit sa kaibigan ko, at nong nakuha nya na loob nong isa binaliwala na ako"
" sapakin ko yun gusto mo?"
" wag na, gusto ko ako gaganti sa kanya"
May pag ka amazona kasi to.
" sure ka?"
" oo pero kung gusto mo pag katapos ko ikaw naman"
" sure, sabihin mo lng kung kelan"
Ngumisi naman sya na para bang may plinaplanong hindi maganda
" humanda sakin ang lalaking yun, pag sisisihan nyang pinakawalan nya ako"
***
BINABASA MO ANG
Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )
FanfictionCOMPLETED Title pa lang alam na kung anong simula ng kwento. Yes. Si Cassandra Liah Devine Cerxia, ang Campus Queen ay siyang nanliligaw sa masungit na si Kyle Zayden Lanforde. Mapaamo kaya ni Cassandra ang tigreng si Kyle? Mapalambot kaya niya ang...