Chapter 50

537 22 0
                                    

CASSANDRA'S POV~

" ano yan?" takang tanong ko kay zayden

Nandito ulit kami ngayon sa tambayan naming dalawa.

" hangover soup"

" anong gagawin ko jan?"

" try mong itanim baka sakaling tumubo at bumunga"

Tinignan ko naman sya ng masama at ganun din naman ang ginawa nya

Inis naman syang napabuntong hininga saka nag iwas ng tingin.

Ok. Talo ko sya hahahha

" kasi naman! Ano bang ginagawa sa soup? Kinakain diba? Tsk, wag ka ngang magtanong ng pang grade one!"

Hala, anong meron kay zayden ngayon? Bat ang sungit?

Hinawakan ko ang noo nya.

" wala ka namang sakit, hmm.. Meron ka no?"

Napaaray naman ako ng bigla nya akong batukan pero mahina lng naman sadyang may pag ka O.A lng ako

" Kainin mo na nga lng yan, alam kong may hangover ka kaya pinagluto na kita"

Nginitian ko naman sya.

Ang sweet hihi lakas maka topak ng lalaking to, kanina nag susungit tapos ngayon ang sweet, meron nga ata ang lalaking to. Moody eh.

" marunong ka pala magluto?"

" oo naman, ako kaya magluluto sayo pag naging asawa na kita"

" huh?" takang tanong ko.

May narinig kasi akong sinabi nya dun sa pahuli na. Hindi ko lng maintindihan kung ano yun kasi ang hina ng boses nya.

" wala, sabi ko kumain ka na"  saka nag iwas ng tingin

Nagkibit balikat na lng ako saka kinain yung hangover soup na niluto nya.

Hmm, ang sarap ng Luto nya ah? Haha

" wag ka kasing mag iinom ok? Yan ang napapala mo eh"

Psh. Sawa na ako sa sermon huhu. Pag gising ko sermon agad bungad ni papa sa akin.  Tapos ngayon. Tong boyfie ko naman.

" oo na po."

" ano bang problema ni zylie? Bkit sya uminom? Bkit pugto mata nya?"

Hinarap ko naman sya ng nagtataka ang mukha.

" hindi mo tinanong?"

" ayaw magsalita"

" baka kasi magal--

" cass"

" ok! Ok! Ganto kasi yun, nakita ko sya sa gilid ng kalsada na may kausap na lalaki at kung hindi ako nagkakamali Drake yung pangalan tapos nong nilapitan ko sila ang narinig ko lng nakikipag break na yung lalaki sa kanya tapos iyon, nag iyak na sya"

Napansin kong kumuyom ang kamao nya kaya agad akong naalarma

" hoy! Hoy zay! San ka pupunta?" mabilis na tanong ko ng makitang tatayo sana sya

" pupuntahan ko ang gag*ng yun!" galit  na sabi ko.

" t-teka nga! Kumalma ka! Anong gagawin mo sa kanya?!"

" sasapakin--

" tapos ano? Pag sinapak mo sya may mababago ba?"

Natigilan sya.

" zay, hayaan mong sila ang mag-usap ni zylie"

" pero kapatid ko sya at--

" at sa tingin mo ba magugustuhan ng kapatid mo kung gagawin mo yun? Hindi diba? "

Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon