Cassandra's Pov~
" dont you dare try to hurt her or else ako ang makakalaban mo"
Tama ba ang narinig ko?hindi ako nananaginip or nag iimagine diba? kay zayden na boses yun..
dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko at halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko sa lakas at bilis ng tibok nito..
Totoo nga, nandito si zayden..
" k-kyle" utal na sabi ni reign" tss, what are doing here, jerk? ipapahiya mo rin sya?" inis na tanong ni hailey na ngayon ay hindi na hawak nong dalawang alipores ni reign
pero sa halip na sagutin ni zayden ang tanong ni hailey ay humarap sya kina reign
" hayaan mo kami kyle! dapat lng yan sa mga malalandi--
" stop!! wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan si cassandra!" galit na sabi nito
" kyle! ano bang nangyayari sayo?! bkit sya kinakampihan mo?! bkit sya ang pinag tatanggol mo?!" takang tanong ni reign at the same time may halong galit din sa kanyang boses
At mas lumakas at bumilis pa ang tibok ng puso ko ng bigla syang tumingin..Sa aking mga mata
" because she's my girlfriend"
lumakas naman ang bulungan ng mga estudyanteng nakarinig nun pero para naman akong nabingi dahil sa sinabi nya
' because she's my girlfriend'
' because she's my girlfriend
' because she's my girlfriend
' because she's my girlfriend'
Paulit-ulit yang mga yan sa aking isip, Tama naman ang narinig ko diba? sinabi nyang girlfriend nya ako, sabihin nyong hindi ako nananaginip dahil kung panaginip lng to..Ayoko ng magising..
Hindi agad nakasagot si reign pero mas nagulat ako ng lumapit sa akin si zayden at inilahad sa akin ang kanan nyang kamay
Tinignan ko muna sya sa mata bago sa kamay nyang iniintay na tanggapin ko
Nanginginig ang kamay na tinanggap ko ang kamay nyang nakalahad sa akin
tinayo nya ako ng maingat at saka hinila palabas
At ng makalayo na kami sa cafeteria tumigil sa paghila sa akin si zayden, humarap sya sa akin kaya tumungo ako
Nahihiya ako saka ayokong ipakita yung mukha ko sa kanya kasi alam kong parang kamatis na ang kulay nyan, hawak pa kasi nya ang kamay ko hayst, ang lambot pala ng kamay ny--
" hey, uhm you ok?"
Napatingin ako sa kanya at nabasa ko sa mga mata nya ang pag aalala kaya lihim akong napangiti
Concern sya sa akin hehe
" a-ah o-ok lng ako..S-salamat" utal na sabi koAish! cass! umayos ka! si zayden lng yan!huhu
" may dala ka bang extra uniform? ang dumi kasi ng damit mo" sabi ulit nito
" a-actually...wala..nagamit ko na"
hindi sya sumagot kaya nakakabinging katahimikan ang nangibabaw sa aming dalawa
Naalala ko naman yung sinabi nya kanina
" uhm z-zayden..d-dun sa kaninA, a-ano..Di mo naman k-kailangan na s-sabihin yun s-saka--
" ayaw mo ba?" deretsong tanong nito sa akin dahilan para mas lumakas pa ang tibok ng puso ko..
BINABASA MO ANG
Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )
FanfictionCOMPLETED Title pa lang alam na kung anong simula ng kwento. Yes. Si Cassandra Liah Devine Cerxia, ang Campus Queen ay siyang nanliligaw sa masungit na si Kyle Zayden Lanforde. Mapaamo kaya ni Cassandra ang tigreng si Kyle? Mapalambot kaya niya ang...