Chapter 35

454 11 0
                                    

Cassandra's Pov~

" Cass.. Pwede ba tayong mag usap?"

" hindi" seryosong sagot ko

Bkit ba ang aga eh nandito agad sya sa harapan ng classroom namin? Sinisira nya ang araw ko tss!

Lalampasan ko na sana sya pero agad nya akong nahawakan sa braso

" Please? Let me explain" pakiusap nito

Iniwaksi ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko

" wag muna ngayon pwede?!" biglang taas ng boses ko, napansin ko namang natigilan sya

" bigyan mo muna ako ng time.. Hindi pa ako handang pakinggan yang explanation mo, kasi kahit naman anong explain mo.. Hindi parin mababago yung mas sinamahan mo si camille kesa sa akin"

Dere-deretso akong pumasok sa room pagkasabi ko nun.

Namataan ko pa si hailey na nakatingin din sakin, nakaupo kasi sya dun sa kalapit nong upuan nong nerd naming ka klase..

Padabog akong umupo at sumulyap ulit sa may Labas ng room,

Nakita ko naman dun si zayden na naglalakad na palayo.

Napabuntong hininga na lng ulit ako..

Nasasaktan din naman ako minsan, hindi porket mahal ko sya hahayaan ko na lng na saktan nya ako ng paulit-ulit.

" ok ka lng?"

Mabilis akong napatingin sa gilid ko

" hailey" mahinang saad ko ng maupo ito sa bangkong dati nyang upuan na sa tabi ko.

" bkit ba kasi hindi mo pa hiwalayan yung gagong yun?" galit na tanong nito

" i love him" 

" kaya kahit ilang beses ka nyang saktan, ok lng sayo?"

Hindi ako nakasagot.

" cass, kung mahal ka nya, hindi ka nya sasaktan, pero sa nakikita ko, lagi ka lng nyang sinasaktan at pinapaluha" 

Napatungo na lng ako..

" kaya ko pa naman eh.. Kakayanin ko pa pero sa oras na mapagod na ako.. Wag kang mag-alala.. Ako na mismo ang bibitaw at susuko sa kanya"

Narandaman kong tumulo yung luha ko na agad ko namang pinunas gamit ang kamay ko

" Ok na ba tayo?" pag lilipat ko ng topic

" Pwede pa ba?" pabalik nitong tanong  kaya napatingiti ako

" oo naman! Haha namiss kitang bruha ka eh!"

" ako rin eh, namiss ko naring batukan ka"

Pareho naman kaming napatawa

" ang bad mo talaga sakin! Gaga ka talaga eh noh?"

Napatawa na lng kami pareho saka nagyakap

" i miss you" bulong ko

" miss you too bruha"

***

After namin mag usap ni hailey, naghiwalay muna kami, naglalakad ako papunta sa cafeteria ng mag ring ang phone ko, pag tingin ko sa phone ko..

Allison Calling...

Sinagot ko naman agad yung tawag

" Hey sis! May ginagawa ka?" panimula nito

" Wala naman, bkit?"

"  Puntahan kita, wait, asan ka ba?"

" papunta ako ngayon sa cafeteria eh"

" Geh. Hintayin mo ko dun. Bye!"

Tot! Toot! Tot!

Ano naman kaya kelangan nun?

Nagtataka man ay dumeretso parin ako sa cafeteria, habang wala pa si allison, omorder muna ako ng kakainin ko

Nagutom ako bigla ng mag dramahan kami ni hailey eh..

Pagkaupo ko, agad na akong nag umpisang kumain, hindi pa ako nakakakalahati ng dumating si alli.

" Hey Sis!"

Taka ko naman syang tinignan ng maupo sya sa harap ko

" Nong kelangan mo?" tanong ko sabay kagat sa burger

" kanina kasi wala kaming prof. Kaya ayun wala kaming ginaga--

" nagpunta ka ba dito para ikwento yan? Tss, hindi ako interesado kaya umalis ka na lng"

Napasimangot naman ito sa ginawa kong pagpuputol sa sinasabi nya

" ang bad mo sis ah!"

Napairap na lng ako

" ano ba kasi talaga pinunta mo dito?"

" patapusin mo kasi ako!"

" deretsuhin mo na kasi hindi yung pinapahaba mo pa!"

" ok, fine!. Tumawag sakin si papa, Next week.. Aalis tayo. So sasama ka ba?"

Napakunot naman ang noo ko,

Aalis?

" Aalis? What do you mean? Maagang bakasyon? August pa lng ah! "

" hindi ano ka ba? Naaalala mo ba si Tita Aiza? "

" Malamang! Kapatid ni papa yun eh! Bakit naman sya nasali sa usapan? "

" ayun, pinapapunta tayo sa kanila"

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya

" what?! Eh diba sa Paris sila nakatira ngayon?"

" yeah, at gusto nilang pumunta tayo dun, tayong tatlo nila papa"

Bkit naman kaya? Pero sabagay. Ilang years narin simula ng huli namin syang makita.

" so ano? Sama ka?" tanong nito

Napaisip naman ako.

Paano si Zayden?

" Not sure.."

" si Kyle ang dahilan noh?"

Hindi naman ako nakasagot sa tanong nya

" eh ikaw? Paano si kuya Vash?"

Napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw, mas naging malapit sila sa isa't isa, ewan ko lng ngayon, mukhang may problema eh

" Paanong si vash? Ano bang sinasabi mo? "

" asus! Wag ka na mag deny alli! Inlove ka sa kanya noh? "

Hindi naman sya ngayon nakasagot sa tanong ko kaya napangisi ako

" Aha! Inlove nga sya! Ayiiee! Haha congrats alli!" masayang sabi ko dito pero mas lumungkot lng ang mukha nya

" wag na nga natin syang pag usapan, basta sasama ako, at sure naman akong hindi matatanggihan ni papa si tita Aiza!"

" pag isipan ko, kakausapin ko muna si zayden about jan"

Pero sa ngayon kasi ang gulo ng sitwasyon namin, kanina lng humingi ako ng time sa kanya diba? Pero hindi naman ako santo, namimiss ko rin yun noh!

" sige, pag usapan na lng natin toh mamaya sa bahay" sabi nito at tango lng naman ang sinagot ko

***

Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon