Zayden's Pov~Nandito ako ngayon sa harap ng classroom nila Cassandra.
Bkit nga ba ngayon ko lng naisipang gawin to? Tsk antanga ko talaga!
" Kyle? Ikaw na naman? Bkit ka na naman nandito, huh?"
Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses
At laking pasalamat ko dahil yun nga si hailey
" may itatanong lng ako sayo" sabi ko
Tumaas naman ang isa nyang kilay
" Close ba tayo? Galing mo ah!" sarcastic na sabi nito
Bkit nga ba nagustuhan ni cal ang babaeng to? Ang sungit-sungit! Kung wala lng ako kailangan dito hindi ko yan kakausapin eh.
" hindi, pero kaibigan ka ni cass at alam kong masasagot mo ang tanong ko"
" At ano namang tanong mo?"
Napatingin ako sa likod ni hailey ng may magsalita pa, si kevin pala..
" kevs? Ano ka ba?" saway ni hailey dito
" ok lng ley, ano ka ba naman?" bumaling sa akin si kevin na nag iintay ng sasabihin ko
" M-may.. May p-plano pa bang bumalik si cass dito?" kinakabahang tanong ko
Sila na lng ang pag-asa ko. Ayokong isipin na hindi ko na makikita si cass, ayokong isipin na hindi na nya ako babalikan pa..
Napansin ko namang nagkatinginan yung dalawa bago sumagot sa tanong ko
" Oo naman" sagot ni kevin kaya naka hinga ako ng maluwag
" siguro after 1 year, 2 years, o baka 3 years babalik sya" dagdag naman ni hailey na ikinalaki ng mata ko
Hinintay kong bawiin nila yung sinabi nila pero wala.. Mukhang seryoso nga sila..
3 years? Bkit naman ang tagal nya dun? Bkit ganun na lng nya ako kadaling iwanan? Karma ko na ba to?
Napapikit ako saka nanghihinang naglakad palayo sa kanila
Ni hindi ko na magawang mag pasalamat sa impormasyon na nalaman ko dahil nga sa hindi ko pa talaga matanggap yung sinabi nila..
Cass, naiintindihan ko na.. Alam kong nasaktan kita dati. Pero sana naman ngayon bamalik ka na.. Nagmamaka awa ako sayo.. Baka hindi ko kayanin..
Pero kung sakali man na matagalan nga sya dun.. Maghihintay ako..hihintayin kita cassandra.. Kung kaya mo akong habulin ng 4 years.. Ngayon ako naman ang maghihintay kahit na 3 years pa yan..
Mahal kita Cassandra Liah Devine Cerxia. At ang tanga ko dahil hinayaan kitang mawala sa akin.. Ang tanga ko dahil hindi ko pinahalagahan ang mga efforts na ginawa mo.. Ang tanga ko dahil hindi ako naging mabuting boyfriend sayo.. Ang tanga ko dahil mas binigyan ko ng oras ang iba kesa sayo.. At ang tanga-tanga ko dahil kung kelan ka nawala saka ko lng napagtanto kung gaano kita kamahal..
**
" Kyle Pare, ano na namang nakain mo at nagiging suki ka na ata ng bar ni coach?" takang tanong ni cal
Ang boring kung mag isa lng ako iinom kaya inaya ko na lng sya. Total sya pinaka matino sa lahat ng barkada ko eh.
Ng hindi ako sumagot nagsalita na naman sya
" wow lng pre ah! Ano pang silbi ng pag aaya mo sa akin dito kung hindi mo ako. Kakausapin?"
Seryoso ko naman syang tinignan
" inaya kita para pag nalasing ako ikaw ang maghahatid sa akin sa condo ko"
Syempre ayoko namang sabihin na sya ang inaya ko dahil sya pinaka matinong ayain sa lahat baka pumalakpak tenga nyan eh.
" grabe ka kyle ah! Mas feel ko yung alila mo ako kesa sa kaibigan" nakasimangot na sabi nito sabay inom.
Napa iling na lng ako.
" calvin, pano mo nagagawa yun?" tanong ko
" huh? Ang alin?"
" mag panggap na masaya kahit ang totoo hindi naman"
" ano bang sinasabi mo jan pre? Masaya ako"
" wag kang magsinungaling sakin cal, sasapakin talaga kita. Alam ko namang hindi, alam kong nasasaktan ka parin hanggang ngayon Dahil kay hailey"
At ngayon na nabanggit ko na ang pangalan ng kaibigan ni cass tuluyan ng naglaho ang nakangiti nyang expression kanina
Deretso nyang ininom yung baso nya na may lamang vodka
Bumuntong hininga naman sya bago tumingin sa akin at nagsalita
" sa totoo lng hindi ko talaga alam kyle, hindi ko alam kung pano ko nagagawang maging masaya kahit sa loob ko eh parang pinapatay na ako sa sakit...nakikisabay na nga lng ako sa agos eh. Naisip ko baka kasi tama yung nabasa ko, ' time is the only thing that can heal your heart' kaya sinunod ko na lng. Baka tama sya, oras lng ang kailangan ko para makalimutan sya"
May pinag huhugutan talaga sya, pero buti nga yung sa kanya nakikita nya pa. Eh ako? Wala. Ni boses man lng. Wala. Hays. Panong hindi ako mababaliw nito?
" pero bkit kayo ni cass? Mahal nyo ang isa't isa pero sa huli nag hiwalay parin kayo, ano ba talagang rason?"
Ininom ko muna yung hawak kong baso na may lamang brandy
" gago ako eh, di ko pinahalagahan yung relasyong meron kami, kaya ayun, sumuko.. Iniwan ako. Pero sobrang laki ko talagang gago dahil kung kailan naman sya nawala saka ko lng na realize na mahal ko talaga sya"
" don't worry brad, alam ko namang babalik si cass eh"
" sana, dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag hindi sya bumalik, mag iintay ako mapa 3 years man yan, pero pag hindi talaga sya bumalik, ako mismo ang pupunta sa kanya"
" chill loverboy, kilala ko si cass, mahal ka nya at saksi ako dun. Umalis man sya alam ko at naniniwala akong babalik sya sayo, imagine ah, nakapag antay sya sayo ng 4 years diba? Kinaya nya yung mga malakutsilyong salita na ibinabato mo sa kanya, ilang beses mo na ba syang pinaiyak at sinaktan? Sa damimg beses na hindi ko na mabilang, pero anong ginagawa nya sa huli? Bumabalik parin sya sayo diba? Ganun lng yun. Hindi ka nya kayang tiisin eh"
Gusto ko sanang patayin sa tingin tong si calvin dahil kanina lng nag dra-drama sya tapos ngayon parang nang aasar na, pero hindi ko talaga kayang pigilan na hindi umasa sa mga sinabi nya.
Sana nga tama ka calvin. Sana nga bumalik sya.
Dahil nandito lng naman ako eh, naghihintay sa kanya.. Alam kong nasaktan ko sya ng ilang beses, nangako narin ako ng ilang beses. At hindi ko natupad yung mga yun pero sana.. Sana sa pagbabalik nya bigyan nya ako ng chance.
At ngayon, ngayon mas naintindihan ko na kung ano ang nararandaman ni Camille nong humihingi sya ng chance. Naiintindihan ko na sya.
Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig.
**
BINABASA MO ANG
Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )
FanfictionCOMPLETED Title pa lang alam na kung anong simula ng kwento. Yes. Si Cassandra Liah Devine Cerxia, ang Campus Queen ay siyang nanliligaw sa masungit na si Kyle Zayden Lanforde. Mapaamo kaya ni Cassandra ang tigreng si Kyle? Mapalambot kaya niya ang...