Chapter 46

536 16 0
                                    

Cassandra's Pov~

" oy sis, ok ka lng? Nakatulala ka?"

" h-huh?" takang tanong ko ng marinig kong nagsalita si Allison na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin

Umupo naman ito sa couch sa tabi ko..

" ok ka lng ba? Ang lalim yata ng iniisip mo"

Bumuntong hininga naman ako

" tungkol kay Kyle to no?"

Dahan-dahan naman akong tumango

" oh? Anong problema? Sabihin mo sakin" bossy na sabi nya.

Wala ako sa mood na barahin sya kaya sinabi ko na lng yung totoo

" nagkita kami kanina, nagka usap pa nga eh..... Tapos yun nga, t-tinanong nya ako kung.. K-kung pwede daw ba na kami na lng ulit?"

" mahal mo pa ba?"

" oo naman, hindi agad mawawala yun" mabilis na sagot ko

" oh mahal mo sya mahal ka nya bkit naman nag iisip ka pa jan? Saka kung natiis mo nga yung 4 years na pananakit ni kyle sayo eh ano pa nga ba to diba?"

Ipinatong ko ang dalawang paa ko sa couch at naka indian sit na humarap kay alli

" yes, natiis ko yun, kinaya ko pero tao lng din ako alli, marunong masaktan at mapagod, mahal ko sya at alam nya yun pero ako ba? Mahal ba nya ako? Oo sinabi nya na sakin na mahal nya ako pero bihira ko marandaman yun, kasi tuwing nakakasama ko sya puro na lng sakit ang nararandaman ko, gusto kong sumugal ulit, gusto kong subukin ulit pero pano yung isa? Pano kung sirain na naman nya?  Ayoko ng maulit yung nangyari na wala pa kaming dalawa sa kalahatian natapos na yung laban namin"

" hindi pa naman tapos ang laban nyong dalawa eh, kaya nga heto sya, tinatanong ka kung pwede nyo na bang ituloy yung laban nyo, at kung natatakot kang masaktan ulit, ok lng. Pero imagine lng sis ah, ilang years mo syang hinabol? Mahigit 4 years din yun diba? Tapos ngayon papayag ka na basta na lng masira ng babaeng yun ang 4 years na paghihirap mo? For the last time cass, try mo ulit lumaban , lumaban kayo ng magkasama. "

***

' hindi pa naman tapos ang laban nyong dalawa eh'

' heto sya, tinatanong ka kung pwede nyo na bang ituloy yung laban nyo'

'For the last time cass, try mo ulit lumaban , lumaban kayo ng magkasama.'

Nandito na ako sa kwarto ko at hanggang ngayon iniisip ko parin yung mga sinabi ni alli..

Ugh! Naguguluhan na ako! Nagtatalo na ang puso at isip ko huhu! Sinasabi ng puso ko sundin ang mga sinabi ni allison, to namang  isip ko eh nagpapatuloy sa pag iinarte at tama na daw yung mga pag titiis ko, parang sinasabi nya na din na i-let go ko na lng si zay.

Lord, bigyan nyo naman po ako ng kahit isang sign lnhmg para makipag balikan kay Zayden, isang sign lng po papa jesus.

Napatingin ako sa phone kong nasa side table ng mag ring ito. Kinuha ko yun at tinignan kung sino ang natawag

Nagtaka naman ako ng makitang unknown number sya pero dahil sa curios ako na malaman kung sino sya e sinagot ko na

" hello?"

" Cassandra"

Wait....pamilyar yung boses!

" ako to, si camille"

Yah! Kay camille nga na boses ito!

" a-anong kelangan mo?" nauutal na tanong ko

Bkit naman kaya sya napatawag? Para sabihin na layuan ko si Zayden? O para gumawa na naman ng kwento para masira ang Amin ni zayden? Wait, may ' kami' ba ni zay? Wala naman na ah,

" i-im sorry cassandra, im sorry "

0___0

Teka, tama ba tong narinig ko? Si camille? As in si camille na ex ng ex ko? Nag sosorry sakin?

" Sorry? "

" Yes. Im sorry, dahil nasira ko ang relasyon nyo ni kyle, im sorry, sorry kung dahil sakin pareho kayong nasasaktan ngayon, sorry talaga, alam kong naghiwalay na kayo ni kyle pero sana hindi pa doon natatapos ang lahat sa inyong dalawa, alam kong naging selfish ako dahil gumawa ako ng mga masasamang bagay na hindi ko iniisip kung ano ang mararandaman ni kyle, kaya nga nong umalis ka, kinuha ko yung tyempo na yun para makipag balikan sana sa kanya pero kitang kita at feel na feel ko na mahal ka talaga nya"

narinig ko na ang pag hikbi nya ng sabihin nya yung mahal ako ni zayden

" sa totoo lng naiingit ako sayo dahil mahal na mahal ka ni kyle, mas minahal ka nya kesa sa akin noon, at salamat sa kaibigan mo, salamat dahil sa mga sinabi nya natauhan ako, ako lng pala talaga yung humahadlang sa inyong dalawa, sorry, sorry talaga cassandra, bumalik ka na kay kyle ako na nakikiusap please lng, ayoko syang makitang nalulungkot"

" sorry cassandra, sana mapatawad mo ako" huling salita na narinig ko sa kanya bago mamatay yung tawag.

God, ito na po ba? Ito na po ba yung sign? Ang bilis naman po yata. Pero salamat po. Salamat dahil alam ko na po ang gagawin ko.

**

NEXT DAY...

Cassandra's Pov~

Nandito na ako ngayon sa likod ng school, breaktime na kasi at dito agad ako dumeretso.

Wala pa si zayden pero tong puso ko nagwawala na sa sobrang lakas at bilis ng tibok.

Kinakabahan ako, shete naman!

" cass"

Ayan na! Ayan na sya waahh!!

" a-ah hi"  ngiti ng pilit

Lunapit ito sa akin

" u-uhm.. N-nakapag desisyon ka na ba?" nauutal sya, nauutal si Zayden!! Ibig sabihin pareho kaming kinakabahan

" oo, a-at sana.. Sana wag kang mabibigla, g-ginawa ko lng yung g-gusto ko talagang gawin ka--

" p-pwede bang deretsuhin mo na lng? Mas lalo kasi akong kinakabahan eh" pagpuputol nya sa sinasabi ko

Wow lng ah! Grabe! Pasalamat ka kasi mahal kita kundi natadyakan na kita! Mas exciting kaya pag may pa suspense diba? Diba?! Sumang ayon na lng kayo.

" Pano kung.. Kung sinabi kong.. Hindi na pwede? Ayoko na? Pagod na ako? Suko na ako?"

Inintay ko syang sumagot pero wala, no response, tulala sya, blankong nakatingin sakin, para nga syang na istatwa eh.

**

Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon