Chapter 41

505 16 0
                                    

Zayden Pov~

" kyle baby? Wake up, baka ma late ka nyan sa class mo"

Napipilitang iminulat ko ang aking mga mata.

Pinakirandaman ko ang puso ko. Ganun padin, ang bigat at sakit parin

" Mom? Pwede wag muna ako pumasok ngayon?" walang ganang tanong ko

" oopps! Hindi pwede! Kailangan mong pumasok kaya tumayo ka na jan at ayusin ang sarili"

" mom--

" kyle! "

Hayst! Hindi ko talaga kaya si mommy

" fine" napipilitang sagot ko

" good, sige na mag ayos ka na at bumaba ka agad para makapag breakfast"

Lumabas na si mommy sa room ko kaya kahit na ayokong tumayo at ginawa ko parin..

Bago pumunta ng Cr. Kinuha ko muna ang phone kong nakapatong sa side table at tinignan kung may message na ba sya.. Kaso.. Wala parin eh..

Dismayadong binalik ko sa dating kinalalagyan yung phone ko at walang ganang pumunta sa CR para makapag handa ng pumasok..

F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D

" Nak, breakfast na tayo" saad agad ni mommy pag ka baba ko

Napatingin naman ako kay zylie na nakaupo kaharap ni dad

Alam kong galit sya sakin dahil sa nasabi ko sa kanya at alam ko rin na mali ang ginawa ko pero anong magagawa ko eh na dala ako sa emosyon ko eh?

Naupo naman ako sa harap ni mommy so bali katabi ko sya

Nagsandok ako ng kanin at ulam ko at kumain kami ng tahimik ng biglang tumayo si zylie

" Una na ako mom, dad. May assignment pa akong gagawin eh"

" hindi ka pa tapos kumain ah?" sabi naman ni mommy dito

" nawalan na po ako ng gana eh, sige po, alis na ako"

Pag kaalis ni zylie magpapatuloy na sana ako sa pagkain ng biglang magsalita ang kanina parin tahimik na si daddy

" may problema ba kayong magkapatid?"

Humarap ako kay dad at sasagot na sana ng magsalita si mommy

" oo nga, parang hindi kayo nag kikibuan?"

" may nasabi lng po akong hindi maganda but don't worry, aayusin ko to" honest na sagot ko

" Oh sige, aasahan ko na maayos nyo yan, wag mo ng patagalin pa ah?"

" yes mom"

Pagkatapos kong kumain agad na akong nag paalam kay mommy at daddy para pumasok sa school..

At ng makarating ako sa university nagsalubong ang dalawa kong kilay ng may mamataan akong hindi kanais-nais

Pinark ko muna ng maayos tong kotse ko saka bumaba

Agad naman syang lumapit sakin

" Kz!! Good Morning!" nakangiting bati nito sakin pero hindi ko sya pinansin at nilampasan lng

Akala ko lulubayan na nya ako pero nagtaka ako ng sabayan nya ako sa paglalakad

Pero para hindi tuluyang masira ang araw ko hindi ko parin sya pinansin

" Oy kz! Mamayang uwian nyo free ka? Kain tayo? My treat!"

Ganyan lng Kyle, dedma lng.

Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon