Chapter 39

499 20 0
                                    

Cassandra's Pov~

Monday na ngayon, at maaga ang flight namin kaya heto kami at nasa airport na..

" Cass!!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si hailey at kevin pala.. Naka uniform na sila at obvious na papasok na sana sa school..

Ng makalapit yung dalawa samin agad akong nakatanggap ng batok kay hailey

" aray naman hailey!! Ganyan ka ba mag good bye?!" reklamo ko dito pero sinamaan nya lng ako ng tingin

" bkit ngayon mo lng sinabi na aalis kayo?!" inis na tanong nito

" hindi naman kayo nagtatanong eh" parang wala lng na sagot ko

" ouch naman! Pati ba naman ikaw kevin?" daing ko na naman ng makatanggap na naman ako ng batok pero this time Kay kevin na galing

" ano yun? Porque hindi kami nagtanong hindi mo na sasabihin?" may halong pagtatampo sa boses nito

" ehh! Buti nga sinabi ko pa eh! "

" gaga ka talaga ano?! Saka pano si kyle? Ano papabayaan mo na lng sya dun sa ex nya ganun?"

Naalala ko na naman si zayden.. Ano kayang magiging reaction nya pag nalaman nyang aalis kami?

" hayaan nyo na.. Bagay naman sila eh"

" what?! Nababaliw ka na ba cass?! Anong klaseng sagot naman yan?" gulat na tanong ni hailey

" oo nga, may sakit ka ba?" dagdag pa ni kevin

" wala naman na kami ni zayden eh, so wala na akong karapatan na makialam pa sa buhay nya"

Matagal bago nakasagot yung dalawa

" H-huh? Break na kayo? Teka lng! Pano nangyari yun? Kelan? At saka bakit?"

Handa na sana akong barahin ang mga tanong ni hailey ng biglang tawagin ang flight namin

" Tawagan ko na lng kayo"

" asahan namin yan, need namin ng kasagutan"

"oo na, ingat kayo ah?"

" ikaw ang mag ingat dun, saka pasalubong ah, wag mo kami kakalimutan"

" baliw ka talaga kevs!"

" sista! Tara na!" sigaw ni allison

" sige guys. Alis na ako, bye!"

" babye! Ingat!"

Yan ang huli kong narinig sa kanila..

Kyle Zayden's Pov~

" Kyle.."

" ano na naman?! Akala ko ba may usapan na tayo?! Diba sabi mo lalayuan mo na ako?"

" y-yes but.. I-i can't " napatungo pa ito ng sabihin nya yun

Sh*t naman!!

Sa halip na sumagot pa ay pumasok na lng ako sa loob ng kotse ko at pinaharurot yun patungong school

Kinuha ko ang phone ko at iche-neck kung may text na ba si cass.. Nasanay na kasi ako na laging nakaka kita ng message nya every morning..

Gusto kong isipin na panaginip lng yung nangyari kahapon.. Hindi totoong wala na kami.. Hindi sya nakipag break sakin..

Ng makarating ako sa school, agad akong naglakad papunta sa room nila..

Ang inaasahan ko ay maaabutan ko dun si hailey at yung kevin at sya.. Pero sa tatlong taong inaasahan kong yun.. Wala ni isa akong nakita...

Ang Campus Queen Kong Manliligaw ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon