PARADA NG MGA GWAPO

138 17 0
                                    

PARADA NG MGA GWAPO

G.W.A.P.O
Limang letrang pinagtagpo
Isang salita ang nabuo
G.W.A.P.O- Gwapo!

Letrang G
Gulang ay di basehan
Galang sa kababaihan ang usapan
Gwapo ka ngang maituturing
Gago ka naman kung mahalin

Letrang W
Wala sa mukha ang kagwapuhan
Wagas na respeto ang kailangan
Wala ring kaso ang dami ng napaiyak mong babae
Wag kang  ano, di mo yun kinagwapo pare!

Letrang A
Ang tunay na gwapo
Ay yung paiiyakin ka sa katatawa
At hindi yung paiiyakin ka
At tsaka siya ang tatawa

Letrang P
Pogi at gwapo ba ay magkapareho?
Pagkat pareho lang sila ng pinupunto?
Para sa akin, hindi sila magkapareho
Pagkat ang gwapo, pwedeng maging GWAGO (Gwapong Gago)

Letrang O
Okay! Wala na akong masabi
O,P,Q,R,S,T
Oras oras mo dapat tandaan
Oo, gwapo ka! Kung may respeto ka sa kababaihan

TULA-la 😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon