SIMPLENG TULAD NIYA
Isa lamang siyang simpleng babae
Ngunit marami ang sa kanya'y nabibighani
Dahil sa taglay niyang kabaitan
At ganda ng kanyang kaloobanIsang simpleng babae lang kung tignan
Pero siya pala ay may itinatago ring angking kagandahan
Kagandahang kapag iyong natuklasan
Ikaw ay mapapahanga nang lubusanSiya ay babaeng hindi dapat niloloko
Dahil dapat siyang siniseryoso
Ang mga bagay na ganito
Ay ginagawa ng lalaking tapat at totooHindi kailanman maipagkakaila
Na maraming lalaki ang sa kanya ay humahanga
Paghangang hindi alam kung pag ibig na nga ba
Dahil sa isang simpleng tulad niya
BINABASA MO ANG
TULA-la 😂
PoetryMga tulang nalikha habang nasa CR. Mga tulang naisulat kahit wala namang pinaghuhugutan. Mga tulang binubuo ng mga salitang pinagtagpi tagpi ng isang lalaking nagpupumilit maging makata. Mga tulang walang saysay pero ayos lang, hindi ito sanaysay.