HINDI TAYO PWEDENG MAGING TULA
Hindi tayo pwedeng maging tula
Dahil hindi tayo magkatugma
Gusto mo ay ayaw ko
Gusto ko ay ayaw moHindi tayo pwedeng maging tula
Pagkat pareho lang tayong sesura
Sesurang panghati sa gitna ng tula
Na nagdudulot lang ng sakit sa isa't isaHindi tayo pwedeng maging tula
Dahil saknong din natin ay magkaiba
Apat lang ako, ikaw ay walo
Lamang ka palagi, hindi papataloHindi tayo pwedeng maging tula
Magkalayo rin pantig sa bawat taludtod nating dalawa
Saktong pantig lang ako
Sobra na naman ang sa iyoHindi tayo pwedeng maging tula
Hindi kailanman tayo magiging tula
Dahil pagmamahalan natin ay isang sanaysay
Habang tumatagal, nawawala na ang saysay
BINABASA MO ANG
TULA-la 😂
PoesíaMga tulang nalikha habang nasa CR. Mga tulang naisulat kahit wala namang pinaghuhugutan. Mga tulang binubuo ng mga salitang pinagtagpi tagpi ng isang lalaking nagpupumilit maging makata. Mga tulang walang saysay pero ayos lang, hindi ito sanaysay.